Inihayag ni dating Bise Presidente Leni Robredo noong Miyerkules na muling bubuksan ng Angat Buhay Foundation ang Bayanihan e-Konsulta — ang libreng telemedicine program na itinatag niya sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Sa Facebook, nanawagan si Robredo sa mga medical at non-medical volunteers bilang bahagi ng paghahanda upang maipagpatuloy itong muli.

“Bilang paghahanda, mangangailangan ang programa ng 50 non-medical volunteers at 40 medical volunteers (na maaaring madagdagan sa susunod na mga araw depende sa bilang ng request) para sa iba’t ibang bahagi ng ating operasyon,” saad ni Robredo.
Pinaalalahanan din niya ang mga boluntaryo na ang pundasyon ay mananatili sa ilalim ng isang remote na pag-setup at hiniling na ang mga aplikante ay magkaroon ng kanilang sariling mga aparato tulad ng mga smartphone at koneksyon sa internet kung sila ay mag-aapply.

Ipinasara ni Robredo ang Bayanihan E-Konsulta noong Hunyo 1, 2022, mahigit isang taon mula nang magbukas ito noong Abril 2021 sa gitna ng pandemya ng coronavirus.
Nakatulong ang libreng programa sa konsultasyon sa mahigit 58,000 pasyente — may mga COVID at non-COVID patients.
Umani ng maraming papuri at pasasalamat mula sa mga netizens ang muling pagbubukas ng Bayanihan e-Konsulta.

“Thank you Leni for everything that you do for the Filipino people. These things that you do may be a ripple now but will soon be a tsunami. The Filipino people need you and your kind. Thank you Lord.”
“Nakaka-amaze talaga si VP Leni Wala na sa gobyerno pero patuloy pa din ang serbisyo sa bayan. God bless you always!”
“Thank you for this program. You helped a lot of people especially this pandemic. God bless to all of the volunteers!”
“Omg! Malaking tulong na naman ‘to sa ating mamamayan. Mga labis na nangangailangan ng libreng medikal, Salamuch po! Atty. Leni Robredo muwah”