Enchong Dee nagsisikap ayusin ang kanyang pagba-budget dahil sa taas ng mga bilihin

Ibinahagi kamakailan ng Pinoy Big Brother host na si Enchong Dee sa kanyang mga followers sa social media ang kanyang pagsisikap na mas tuunan ng pansin ang kanyang pagba-budget sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ilang taon na rin siya sa kanyang showbiz career at batid ng Kapamilya actor na sa mga panahong ito na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa inflation, kailangan talagang matuto siyang mag-budget nang mas mahusay.

Sa Instagram, ipinakita ni Enchong ang ilan sa mga binili niyang pagkain sa paborito niyang market. Sa kanyang post, sinabi niya na importante ang magtipid, at sa pinamili niya ay may naisingit pa itong dessert.

“I’m learning to budget myself better I went to one of my favorite weekend market, nabili ko yung mga kailangan ko sa bahay at may kasama pang dessert. Lahat to sa halagang ₱625,” saad ng aktor sa kanyang IG.

Napapanahon nga naman ang pagtitipid lalo sa ngayon dahil sa taas ng presyo ng langis na kaakibat ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin, na talagang idinadaing ngayon ng mga mamamayan.

Ayon pa sa 33-anyos kaugnay sa mga taong magaling magbudget, dapat din daw umano itong ibahagi sa mga gusto ring magtipid.

“Sharing your #budgetarian moves can help ease the inflation we’re all experiencing. Let me know how you guys spend your hard earned money pag dating sa grocery,” pagbabahagi ni Enchong.

Marami namang mga followers ang nag-thumbs up at may mga ilan naman na namiss daw nila mag-vlog muli ang aktor.

“Wow ang galing mong mag-budget talaga Enchong good job miss you sa teleserye”

“Matagal ng ‘di ka nagvlovlog idol. I miss EnRich sana pagkaroon pa kayo ng teleserye.”

“Galing!!”

“I can Expand Even More that 625 pesos, madami pa akong puwedeng mabili sa budget na ‘yan. I Love you baby Enchong!”

Ano-ano nga ba ang kanyang mga pinamili?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)

Post a Comment

Previous Post Next Post