Lalaking nag-resign sa trabaho para maalagaan ang kanyang adoptive father na na-stroke, hinangaan

Nag-viral kamakailan sa social media ang anak na si RM Capillas mula sa Pampanga matapos nitong magdesisyong magbitiw sa kanyang regular na trabaho para alagaan ang kanyang adoptive father na na-stroke noong Enero 2022.

“I worked before sa isang BPO company but I resigned when Papa had a stroke to do care-giving responsibilities since ako lang po ang nag iisang anak niya at wala po siyang asawa,” ani RM sa Philippine Star.

Sinabi ni RM na si Papa Avelino ay isinugod sa ospital bandang 3 AM noong Enero 20, 2022.

“[He experienced] weakness on his left side body and slurred speech. According po sa naging result ng CT scan niya, may infarct daw po sa brain niya na na-convert into bleeding. He was also tested positive in COVID-19 kaya tumagal po kami sa hospital.”

Si Papa Avelino ay na-admit sa ospital sa loob ng 22 araw at nakalabas noong Pebrero 10, 2022.

Ngunit medyo challenging ang recovery niya para sa kanilang dalawa. Kinailangan ni RM na suportahan at samahan si Papa Avelino sa kanyang mga therapy session.

Nag-a-undergo umano ang kanyang ama ng physical therapy tatlong beses sa isang linggo.

Kinailangan din ni RM na harapin ang pisikal at emosyonal na mga hamon sa panahon ng paggaling ng kanyang ama.

“Medyo challenging din po kung paano alagaan ang mga na-stroke tulad ni Papa. For me, ‘di po gano’n kadali ang mag alaga ng mga na-stroke lalo na’t ito ‘yung unang beses na ma-stroke si Papa. Matinding pasensya at t’yaga talaga sa pag-aalaga ang kailangan.”

Ang mga kamag-anak nina Papa Avelino at kasosyo ni RM ay tumutulong sa pangangailangan ng kanyang ama.

Ayon kay RM, nais niyang ibahagi ang kanilang kuwento upang magbigay ng inspirasyon at magbigay ng awareness sa publiko.

“To inspire people not only for those people who have the same case as my father’s, but also to those people who are facing different battles in life.”

“Despite all those struggles we come across, we just have to keep going. God is in control of everything and there is always hope. We just need a little time, patience, determination, support system from our family and friends and for as long as we have strong faith in God, nothing is impossible.”

“For God’s grace, he’s been doing well and has shown huge progress for the past 5 months. He’s able to perform daily activities independently gaya ng pagbihis, pagpunta sa CR, paglalakad sa labas para magpa-araw at kumain. He can also speak clearly na din po pero ‘di pa niya gaanong maigalaw nang maayos ‘yung left arm niya. Hopefully for the next few months, maging ok na din ito.”

Panoorin.

Post a Comment

Previous Post Next Post