Leni Robredo ninang sa kasal nina Hidilyn at Julius kasama ng ilang celebs at negosyante

Ang pinakaaabangang kasal ng kauna-unahang Olympic champion ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz sa kanyang katipang si Julius Naranjo ay dadaluhan ng pinakamalalaking pangalan sa larangan ng sports, politics, business at entertainment.

Nangunguna sa pinakamalalaking pangalan sa bansa ang dating Bise Presidente at Angat Buhay NGO chairperson na si Leni Robredo, na napili bilang isa sa mga principal sponsor ng kasal.

Kasama rin sa wedding entourage sina boxing icon Manny Pacquiao at business tycoons Manny Pangilinan ng Smart/PLDT at Ramon Ang ng San Miguel Corp.

Ang business tycoon na si Teresita Sy-Coson ng SM Investment Corporations ay isa ring principal sponsor kasama si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino.

Sasabak din sa kasal si PBA chairman Ricky Vargas kasama ang celebrity doctor na si Vicki Belo, motivational speaker Bo Sanchez, at aktres na si Judy Ann Santos.

Samantala, ang aktres na si Angel Locsin at ang nutritionist ni Diaz na si Jeaneth Aro ang Matrons of Honor. Isa si Iza Calzado sa mga bridesmaids, habang ang mamamahayag na si Atom Araullo ay kabilang sa mga groomsmen.

Ikakasal sina Diaz at Naranjo sa darating na Hulyo 26 – eksaktong isang taon matapos ang kanyang makasaysayang panalo sa Tokyo Games na nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang gintong medalya sa quadrennial meet.

Basahin: Hidilyn Diaz ikakasal sa Baguio sa parehong araw ng kanyang Olympic gold win, July 26

Kamakailan ay masayang ibinahagi ni Diaz ang isang sulyap sa pre-nuptial shoot nila ng kanyang soon-to-be husband sa kanyang Facebook page.

Ipinost ng 31-anyos ang ilang snaps ng kanilang photoshoot na kuha sa Baguio City at ilang bahagi ng Benguet.

“I’m excited to share with you our pre-nup photos with Mayad Studio“, aniya.

“Napakasaya ng pre-nup shoot na ginanap sa Northern Blossom Flower Farm , Baguio Country Club, at Stronghold Athletics, di ko ito makalimutan kasi napatawa nila si Julius ng 9.5,” sabi ni Diaz sa kanyang caption.

“Di ko rin makalimutan kung gaano kaganda ang view sa Atok Benguet at Baguio, at kung gaano kasaya kasama ang mga kasama namin dito sa shoot,” dagdag pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post