Andre Melendez Yllana sa amang si Jomari, ‘Siguro nasanay na rin ako na parang wala siya’

‘Siguro nasanay na rin ako na parang wala siya…’

Ayon kay Andre Yllana, anak ng aktres na si Aiko Melendez, nasanay na siya na wala ang kanyang tatay na si Jomari Yllana sa kanyang tabi.

Sa YouTube vlog ni Aiko, inilarawan ni Andre ang relasyon nila ni Jomari bilang “so far, so good”, pagkatapos dumating sa puntong hindi na sila magkausap.

“Minsan kasi, may mga bagay na it’s too late na. Siguro yung thirst ko for a father dati, hindi na ganon ka-tindi. Sa totoo lang ah. Kung dati, grabe ako maghabol kay Dad,” pag-amin nito.

“Siguro nasanay na rin ako na parang wala siya,” dagdag pa ni Andre. “Kaya pasensya na, Dad, kung may times na nakakalimutan kita.”

Sa kabila ng mga pangyayari ay wala umano siyang sama ng loob sa kanyang ama. Sinabi rin niya na kahit ang mga kapatid man lang sana niya ay maranasan na may ama sila habang bata pa ang mga ito.

 “Sana yung mistake mo dati sa akin, ‘wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko dahil bata pa sila. Habang bata pa sila, go for it.”

Ayon kay Andre, natagalan bago niya natanggap ang realidad na hiwalay na ang kanyang mga magulang. At utang niya kung sino siya ngayon sa kanyang ina.

“‘Di ko kailanman naramdaman na incomplete ako dahil ‘yung missing pieces na hinahanap ko, tumayo ka ro’n tapos binuo mo kung sino ako ngayon,’” sabi niya kay Aiko. “‘Thank you for being the best mom.’”

“‘Kahit ikaw lang mag-isa, ginawa mo talaga ‘yung best mo para makuha ‘yung mga needs namin. Kahit ‘di needs, gusto lang namin, nabibigay mo pa kaya proud talaga ako sa’yo, Mom.’”

Samantala, sinabi ni Andre na isang bagay na gusto niya kapag mayroon na siyang sariling pamilya ay ang maging kumpleto ito.

“Ang hirap din kasing magsalita nang tapos pero ‘yung pinakagusto kong ipaglaban kapag nagkaroon ako ng pamilya is gusto ko complete family,” wika ni Andre.

Nagpakasal sina Aiko at Jomari noong 2000 at naghiwalay rin kalaunan.

 

Panoorin ang mag-ina:

Post a Comment

Previous Post Next Post