May real frriendhips din kayang nabubuo sa mga celebrities?
Sa kanyang Twitter post ay naghayag si Chito Miranda ng isang appreciation message para kay Regine Velasquez; ang kanyang co-judge sa “Idol Philippines”.
Inihayag ng frontman ng Parokya Ni Edgar na minsan ay tinatanong niya si Regine tungkol sa technical aspects ng pagkanta habang nanonood ng mga performers sa “Idol Philippines.”
Ayon kay Chito, lagi niyang maaasahan ang kakaibang kakayahan ni Regine na marinig ang mga nuances ng performance ng isang singer.
Higit pa rito, ibinunyag ni Chito na siya at ang kanyang mga co-judges ay mahilig magsaya at kumain nang magkakasama habang nasa trabaho.

“My forever seatmate. Mukha lang kaming nagkukulitan buong time, pero sa totoo, madalas seryoso din kami,” aniya.
“Minsan kelangan ko talaga humingi ng tulong when it comes to technical stuff kaya buti talaga katabi ko si Ate Reg. ‘Ate Reg…tama ba ‘yung narinig ko? Flat ba ‘yun??’ dagdag pa niya.
“And she’d whisper back, ‘yes,’ without looking up from her paper para ‘di halata na nagko-compare notes kami.”
“Minsan kasi ‘di mo talaga mapapansin kung live mo pinapanood ‘yung performance, lalo na kung super ganda ng tunog sa studio. But you could always count on Ate Reg to hear the smallest sharps and flats na hindi mo basta basta mapapansin.”

“Pero most of the time nagkukulitan lang talaga kami at pa-simpleng kumakain ng snacks na tinatago namin sa ilalim ng judges table. Minsan nga parang buffet na ‘yung ilalim ng lamesa namin sa dami ng snacks: may chips, cookies, sandwiches…minsan nga may halo-halo pa. Wala lang.”
Basahin: Chito Miranda muling finlex ang asawa: ‘Jackpot talaga ko’
Kamakailan naman ay finlex ni Chito ang kanyang asawa na si Neri.
Sa isang Instagram post ay sinabi ni Chito na naka-jackpot siya talaga kay Neri ngunit hindi siya umasa lang sa suwerte upang mapangasawa ito. Ani Chito, pinaghirapan niya ang mga pinagdaanan niya upang magkatuluyan sila.

“Everything I worked for made me more equipped, and made me lucky enough to catch a girl as amazing, and as beautiful as her,” aniya.
“What makes her more beautiful and amazing, is that being beautiful is not her priority. Yes, she tries her best to look nice, but her real priority is to make sure na palagi syang may bagong natututunan to constantly improve herself…always learning, palaging nagre-research, hindi naniniwala na ‘hanggang dito na lang sya’. tulad ngayon, after graduating, MBA naman.”