Herlene Budol, sinabi ang totoong dahilan kung bakit sumali sa Binibining Pilipinas

Inihayag ni Herlene Nicole Budol sa kanyang pinakabagong vlog kung saan ipinasilip niya ang kanyang bagong house and lot, ang tunay na dahilan kung bakit siya sumali sa Bb. Pilipinas pageant.

Ibinahagi niya kung ano ang nag-udyok sa kanya na sumali at kung bakit siya nag-aalangan dai na sumali sa kompetisyon.

“Eto ‘yung unang dahilan kung bakit ako sumali ng Bb. Pilipinas. ‘Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga,” aniya.

“Sabi ko nung una, ayoko dahil ayoko talaga. So parang kabaliktaran siya ng buhay ko. Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper, hindi ako ‘yun, at eto ‘yung dahilan kung bakit niya ako na-push.”

“Ang unang minotivate niya sa’kin,’Nak sumali ka, hindi naman para sa’kin to eh, para sa’yo to eh’. Sabi ko ‘Ma ‘wag, baka mapahiya lang kita’. Sabi ko, ‘hindi ako magaling na tao, hindi ako para d’yan.”

Kuwento pa niya ay hindi raw siya tinigilin ni Wilbert na i-push siya lagi na lumahok.

“Alam n’yo kung ano ang ginawa niya, hindi talaga siya tumigil na i-push ako everyday, kung magkikita kami. Sabi niya sa akin kaya mo ‘yan. Alam niyo inoperan niya ako, gagawin ko sayo ‘yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay. Pumasok ka ng BBP, bibilhan kita ng bahay. Sino ba namang tanga ang hindi papayag dyan. ‘Yun ‘yung unang dahilan, praktikal na tayo, ‘di naman kami mayaman ng pamilya ko, kung nakikita n’yo naman sa vlog namin. Wala kaming kisame, mainit ‘yung bahay namin, magulo ‘yung bahay namin.”

Matatandaan naman na humakot ng special awards si Herlene “Hipon” Budol sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2022 matapos siyang itanghal na 1st runner up.

Iniaalay niya rin para sa kaniyang lolo at pumanaw na lola ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas dahil sila raw ang inspirasyon niya.

“To my Priceless Nanay Bireng at Tatay Oreng. Salamat sa magandang ngiti at inspirasyon para ilaban ko ang prestihiyosong patimpalak sa national pageant ng Bb. Pilipinas 2022.”

Basahin: Herlene Budol hakot awards sa Bb. Pilipinas 2022

Post a Comment

Previous Post Next Post