Lalaking nagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 per kilo, inspirasyon si Kakampink 101

Isang vlogger  na si Kakampink 101 ang nakapagbigay ng inspirasyon sa pagbebenta ng murang bigas na ₱20 per kilo.

Sa panayam ng Interaksyon, sinabi ng lalaking tubong Bacolod City na nagbebenta siya ng premium rice sa halagang P20, “to remind all government officials to work hard para po gumanda at bumaba ang bilihin.”

Nagsimula ang kanyang self-funded initiative dalawang linggo na ang nakararaan sa Rizal at Taguig City.

Kakampink 101

Sa kabila ng kanyang limitadong mapagkukunan, sinabi ni Kakampink 101 sa mga videos na nai-post sa kanyang Youtube channel na nagbebenta siya ng bigas sa mga karapat-dapat na komunidad.

Tinanong kung hanggang kailan niya itutuloy ang ginagawa, sinabi ng lalaki na itutuloy niya ito hanggang sa bumaba ang presyo ng bigas.

“Inspiration ko is to remind all government officials to work hard para po gumanda at bumaba ang bilihin,” saad ng vlogger.

“It’s a reminder to help our kababayan no matter what color they support,” aniya sa panayam ng Inquirer.

Malaking bagay kung susuportahan ang kanyang YT channel para mas malayo ang marating ng P20/kilo na bigas!

Noong panahon ng kampanya, ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo ay kabilang sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang kalihim din ng agrikultura ng bansa sa kasalukuyan.

Sa isang panayam sa radyo noong Hunyo, sinabi ni dating Agriculture Secretary William Dar na ang pagbaba ng presyo ng isang kilo ng bigas sa P20 ay hindi pa posible.

Kakampink 102

Samantala, ang mapagbigay na aksyon ni Kakampink 101 ay nagbigay inspirasyon kay Dindo Bataller mula sa Albay, na tinatawag na ngayong “Kakampink 102,” na gumawa ng katulad na inisyatiba.

“Kakampink 102 of Bicolandia Ang TUNAY na hangarin dapat may realidad.  A true Aspiration must come into Reality by having a genuine initiative,” saad ni Dindo (Kakampink 102)

Ayon sa ulat ng Bicol.PH, nagbebenta umano sila ng P20 per kilo na bigas at kasama ang kanyang pinsan na may-ari rin ng rice mill na si Elena Cascante Kipshoven.

“Ang maganda pa po dito, ‘yong mga bigas na amin ibinibenta ng P20/kilo ay inani ng mga magsasaka ng Ligao. Kaya sigurado na magandang klase ng kanin ang pagsasaluhan ng pami-pamilya,” wika ni Dindo.

“Kaya naman ng gobyerno ang P20/kilo ng bigas, iyon ay kung isasantabi ang pansariling interes at talagang uunahin ang pagpapagaan ng buhay ng Pamilyang Pilipino,” dugtong pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post