#LipadDarna nag-trending: Transpormasyon ni Jane De Leon, lubos na hinangaan

Marami ang bumilib sa pinakaaabangang “Darna” na pinagbibidahan ng Kapamilya aktres na si Jane De Leon.

Maatandaan na umabot ng tatlong taon ang pagkakabinbin ng pagpapalabas nito dahil sa mga training at aberya; idagdag pa riyan ang naging banta ng pandemya.

Nitong Biyernes ng gabi, Agosto 19, ay nasaksihan na ang inaabangang transpormasyon ni “Narda” patungong “Darna”ng 23-anyos na bituin ng Star Magic. Bumuhos ang samu’t saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at nag-trending na nga ang #LipadDarna.

Ang mga netizens ay napa-wow sa angking ganda at pagdadala ni Jane ng Darna costume. Hindi niya binigo ang mga nag-abang sa kaya niyang ipakita. Nakaranas man ng bashing at pagdududa mula sa maraming netizens dahil sa pagkakapili sa kanya na isang baguhan lamang, pinatunayan ni Jane na kaya niyang pumaimbulog paitaas.

Sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment kung saan ibinahagi ang episodes ng Darna ay umapaw ang mga komento ng paghanga sa teleserye, kay Jane at sa iba pang cast tulad ni Iza Calzado na gumanap bilang ina ni Jane at siyang naunang Darna.

“I doubted Jane at first, but now I can say that she really is the best pick. She has the teenage charm but with a strong personality. Ang ganda niya.”

“Jane de Leon was a blessing in disguise. She totally fits the role of a modern Darna! Very Pinay, natural mag salita in Filipino, at unexpectedly, malakas ang dating. Angel Locsin vibes.””Ang ganda ng First Episode kagabi. Grabe ang galing lahat ng artista! lalo na yung cinematography ang sarap sa mata. Jane you never failed us. CONGRATULATIONS!!!”

“Good Job! NaGoosebumpse ako (emojis) Deserved ni Jane ang role, napaka husay, ganda ng pilot episode hindi tinipid at magaling ang cinematography. Must watch 💗 ” yung may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa” Kudos ABS-CBN.”

Mayroong mga nagbitaw pa na batid na nila kung ano ang nakita ng pamunuan ng ABS-CBN kay Jane at kung bakit sa kaniya  ipinagkatiwala ang “bato” na nauna nang naibigay kina Angel Locsin at Liza Soberano.

Puring-puri din ng mga manonood ang pagganap ni Iza Calzado bilang “Leonor: Ang Unang Darna” at siyang ina ni Narda.  Superb ang itinawag ng marami sa pagganap ni Iza.

Marvelling and clamoring for more! (emoji)  Iza Calzado’s love for the craft is such an understatement! Her fight scenes, dramatic lines, and the overall package can represent the country to the world! Grabe ka, Sang’gre Amihan!”

So far this is one of the best teleserye i’ve ever watched in ABS-CBN and it was so exciting and thrilling to watch. However, Darna is full of mixed signal and emotions that really warms the people’s heart by showing all the emotions that the actor “Jane De Leon” expresses very well through her acting skills and now I am looking forward to watch the next episode of Darna!!! Thank you and congrats ABS-CBN For creating such an incredible series.”

 

Sa kabilang banda, may mangilan-ngilan din namang nakapansin ng ilang bagay na ‘need to improve’ upang mas maiayos pa daw. Kabilang na rin ang pagkakaiba umano sa disenyo ng headdress ni Darna sa dalawang magkaibang senaryo.

May mga ‘matatalas’ ang mata na nagsabing hindi pa raw ganoon kalinis ang CGI o computer-generated imagery ngunit nadala naman daw ng magandang storyline at mahusay na pagganap ng cast.

bASAHIN: Pamilya ni Jane De Leon emosyonal nang makita siya bilang ‘Darna’

May ilan ding nakiusap na huwag gaanong kapalan ang make-up ni Darna dahil labanan naman ang pupuntahan niya at hindi pageant o  party. (wink)

Sa kabuuan, ang feedback ng mga nanood ay paghanga at kasabikan na masundan ang mga susunod na episodes ng Darna. Burado na ang mga pagdududa sa kakayahan ni Jane na magampanan ang karakter; na deserving ito sa pagkakataon na ibinigay sa kanya.

Binansagan pa siya ngayon bilang ang “New Generation Darna”.  Go, go, go, Jane!  Darna, lipad!

Panoorin:

Post a Comment

Previous Post Next Post