Naalala mo pa ba ang masasayang ganap sa iyong mga Lola at Lolo na kahit matanda na sila ay nananatili pa rin ang kanilang matamis na pagmamahalan sa isa’t-isa?
Pinatunayan ng matandang mag-asawang ito na hindi kumukupas ang kanilang pagmamahalan dahil nananatili silang sweet sa isa’t isa pagkatapos ng ilang taon na magkasama!
Ibinahagi ng uploader na si Wendell Herminigildo ang isang kaibig-ibig na video ng kanyang mga lolo’t lola na sumabak sa isang TikTok challenge noong Agosto 28, 2022.

Sa naturang video, si Lola Fe at Lolo Epifanio Nisperos ay dapat na saluhin ang cardboard o tabla sa pagitan nila gamit ang kanilang mga labi.
Nag-alok naman ng cash prize si Wendell para sa bawat round.
“Nag-isip po ako ng ganung game, mas gusto po kasi ng lolo ko ’pag may premyo, pambili ng meryenda niya. ’Yung lola ko po pinilit ko,” ani Wendell sa panayam ng ‘The Philippine Star‘

Kahit na natatalo sila sa laro, parang nanalo pa rin sila dahil hindi napigilan ni Lola Fe ang paghagikgik sa tuwing dumadampi ang mga labi ni Lolo Epifanio sa kanyang mukha.
“Hanggang ngayon po sobrang sweet po nila, magkatabi sila sa pagtulog, ayaw nilang masyadong matagal na hindi nagkikita,” dagdag pa niya.
Bagama’t P190 pesos lang ang kanilang napanalunan sa laro, tiyak na naiuwi nila ang jackpot sa bawat halik na kanilang pinagsaluhan.

Maraming netizens naman ang naka-relate sa video, at ang ilan pa ay naging emosyonal.
“Nakatutuwa. This is the future what I want. ‘Yung kapag matanda na kayo maglalaro na lang kayo kasama ang mga apo.”
“‘Di ko alam bakit pero naiiyak ako. Huhuhu. Cutieees.”
“Ang sweet sweet naman po nila. Naalala ko ‘yung mama ko nung buhay pa ganyan sila ka-sweet nung tatay ko.”
“Nakaka-kilig sila ramdam mo sa ngiti nila ‘yung walang kupas nilang love.”
Panoorin.
@mr.wendell23 new challenge for my lolo and lola #fyp #fypã‚· #viral #foryou #formypage #foryoupage #foryourpage
♬ original sound – Wendell Herminigildo – Wendell Herminigildo