Ilang buwan na lang bago ipanganak ng aktres na si Rita Daniela ang kanyang first baby!
Sa ulat ng “24 Oras” ni Cata Tibayan noong Miyerkules, sinabi ni Rita na higit pa sa mga parangal na natatanggap niya, lubos lang siyang nagpapasalamat na malapit na siyang maging isang ina.
“It’s humbling, ‘di ba? The awards, most especially this award that I got from New York, Manhattan. But really, the most beautiful award I can ever receive is to be called a mom, a mother,” wika ng aktres.

“This is something [na] hindi makukuha sa akin ng kahit sino. Hindi ‘to mapapalitan,” dagdag pa niya.
Basahin: ‘God’s greatest gift’: Rita Daniela happy at proud na ‘soon to be a mother’ na siya
Sa isang Instagram post, sinabi ng 27-anyos na mom-to-be na itinuturing niyang pinakadakilang regalo ng Diyos sa kanya ang kanyang anak.
“You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always,” ani Rita.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”
Sa ngayon ay hindi pa rin ipinakikilala ni Rita sa publiko ang kanyang long-time non-showbiz boyfriend.

Kamakailan lang, nanalo si Rita ng Jury Prize sa International Film Festival Manhattan ngayong taon para sa “Huling Ulan sa Tag-Araw.” Iyon ay matapos din siyang ma-nominate para sa FAMAS award.
Si Rita Daniela ay isang Pilipinong mang-aawit, artista at host ng telebisyon. Siya rin ang Grand Champion ng pinakaunang season ng Popstar Kids.
Basahin: Ken Chan expresses support for Rita Daniela’s pregnancy ‘as a friend’