Determinasyon ng Kid Scout na may kapansanan, hinangaan ng mga netizens

Isang batang may kapansanan ang pinusuan at hinangaan ng mga netizens ang determinasyon na maipakita ang kaniyang galing sa kabila ng kalagayan nito.

Para kasi sa karamihan, ang naturang bata ay patunay lamang na hindi hadlang ang kapansanan upang mamuhay nang normal at masaya.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Artbie A. Samson, sinabi nitong isa umano sa pinalakpakan ng mga tao sa sa muling pagbubukas ng scouting sa San Agustin Integrated School, San Manuel, Tarlac ang Kid Scout na si Prince Jay R.

“Isa kasi sa mantra ng Scouting sa SAIS ay Leadership at Talents para sa lahat, kaya hindi nagpahuli si Prince Jay R na ipakita ang kanyang natatagong galing kahit sa likod nito ay ang kanyang pagiging physically challenged,” saad ni Artbie.

Si Prince Jay R ay makikitang putol ang kanang paa at gumagamit ng saklay upang makapaglakad.

Makikita rin sa mga larawan at video na aktibo itong sumasali sa mga gawain ng Kid Scouts at hindi nagpahuli sa kapwa- niya bata lalo na sa pagsasayaw.

Ibinahagi rin ang larawan ni Pricen Jay R sa Facebook page ng Boy Scout of the Philippines o BSP.

“’Disability is not a brave struggle or ‘courage in the face of adversity.’ Disability is an art. It’s an Ingenious way to live’ – Neil Marcus. Kudos to Scout Prince Jay-r Delfin from Tarlac Council. Scout Salute,” caption ng post ng BSp.

Saludo naman ang mga netizens na namangha sa deterrminasyon ni Prince Jay R. Narito ang ilang komento ng paghanga sa bata:

“Indeed, its the abilities not the disability..yes to inclusion…”

“PWD = PersonWithDetermination Scout Salute to you li’L Bro. My fellow PWD . God Bless you.”

“Salute to you Kid Scout Prince Jay-R from San Agustin Integrated School. Continue on being an inspiration to others.”

“Salute sayu brother, disability can’t hold you back on what you want to do!”

“Brave and determined child.. salute to you little brother.”

Ang ilan naman ay humihiling na sana ay mabigyan ng artificial na paa si Prince Jay R upang hindi na ito mahirapang gumamit ng saklay.

Post a Comment

Previous Post Next Post