Jolina Magdangal kinilig matapos mapansin ng mga fans ang 'resemblance' kay Jisoo ng Blackpink

Hindi napigilan ni Jolina Magdangal na makaramdam ng ‘kilig’ matapos mapansin ng mga fans ang kanyang ‘resemblance’ kay Jisoo ng Blackpink sa partikular na hitsura ng K-pop superstar.

Noong Day 2 ng Born Pink tour ng South Korean girl group sa Atlanta, USA, nagpakita si Jisoo, na agad namang naalala ng Pinoy fans noong dekada ’90 ang trend fashion ng aktres.

Matatandaan na sumikat noon si Jolina sa kanyang iconic na fashion at hairstyle tulad ng bangs at butterfly o makulay na hair clip.

Sa Twitter, isang netizen ang nagbahagi ng larawan ni Jisoo  at throwback na larawan ni Jolina na may bangs at pigtail buns.

“That’s why Jisoo’s hairstyle seems familiar… i suddenly remembered Jolina Magdangal [because] of her look today,” isinulat ng netizen sa viral tweet.

Ang naturang tweet ay  nakarating kay Jolina na nag-repost pa ng edited video ng Blackpink member na sumasayaw sa hit song ng actress-singer na si Chu Choo Choo.

“Kinilig ako dito!!! (laughing emojis) Salamat @intocls sa twitter. @sooyaaa__ maraming salamat sa pag cover.. Charowt,” pagbibiro ng aktres sa Instagram page nito.

Bumuhos naman ang komento ng mga netizens at sinabi ang pagkakahawig ng trend na hairstyle noon.

“Oh di ba? Sabi ko sa iyo eh. Hindi ko inasahan na ikaw pala ang ginagaya ni Jisoo.”

“You’re truly an icon momshie jolsssss”

“OMG, akala ko ikaw. Napasabi ako sa sarili ko, why I missed this? Kasi ang alam ko tutok na tutok talaga ako sayo dati. Si Jisoo pala.”

“Ikaw talaga ang original Blackpink member.”

Si Kim Ji-soo, na kilala bilang Jisoo, ay isang mang-aawit at artista sa South Korea. Kilala siya bilang miyembro ng best-selling K-pop girl group na Blackpink na binuo ng YG Entertainment, noong Agosto 2016.

Post a Comment

Previous Post Next Post