Ibinahagi ng Filipino nurse na si Ryan Victorino, nakapasa sa pitong professional exams, ang kanyang pagbabalik-tanaw kaugnay sa kaniyang school life hanggang sa nakapagtrabaho siya sa US bilang isang registered nurse.
Kasalukuyang nagtatrabaho si Ryan sa Psychiatry Department sa Rhode Island, USA.
Sa kanyang viral post sa Facebook, ikinuwento niya kung paano niya naipasa ang pitong professional exams.

School life
“In retrospect with regard to my studies, elementary and highschool life, ‘di ko pa nakikita potentials ko and added to that factor is mga nakapalibot na nag-e-stereotype sa mga hindi honor students so I would always think na mahina talaga ako,” aniya.
Ngunit nang makatuntong na siya ng college at grad school, doon lamang niya napagtanto na may potensiyal siya dahil sa pagiging masipag niya sa pag-aaral, kaya naman nagsimula na siyang mag-focus sa kanyang pag-aaral.
“I took up education major in English first to polish my communication skills since my original dream was to become a corporate lawyer.”

Aminado naman si Ryan na madiskarte siyang tao, determinado at may pangarap sa buhay para sa sarili at pamilya.
Ang importante para kay Ryan, masaya na siya kapag magaganda ang kanyang mga grado. Kahit hindi kataasan ang mga ito basta may natututunan siya ay masaya na siya roon.
Matapos niyang maka-graduate sa edukasyon, napag-alaman niyang maraming nursing ang kailangan sa US kaya naman imbes na mag-focus sa pagiging corporate lawyer, nagbago umano ang kanyang plano.
Dahil sa kagustuhan niyang makapagtrabaho sa US, pinursige niya na mag-enroll sa isang nursing program.

Board exam at pagiging full time nurse sa US
Dahil sa kanyang determinasyon na makamit ang kanyang mga pangarap, pitong professional exam ang kanyang naipasa at lahat nang ito ay naipasa niya sa isang subok lamang.
Nang maipasa na ni Ryan ang NCLEX (National Council Licensure Examination) at IELTS (International English Language Testing System) noong 2009, mga requirements para makapagtrabaho bilang nurse sa US, dito na nagbago ang kanyang buhay sa ibang bansa noong 2017.
Sa loob lamang ng isang taon ay nabili na umano ni Ryan ang kanyang dream house.
Aniya ay sobra niyang nae-enjoy ang kanyang work-life balance dahil tatlong araw lamang ang kanyang trabaho sa loob ng isang linggo bilang full time nurse.

“Kaya puwede pa mag-part time or full time job sa ibang hospitals or just simply enjoy the remaining 4 days off for rest/leisure.”
May payo naman siya sa karamihan, “sa mga katulad ko na may pangarap, go for learning, not for grades. It’s great to be an honor student but if you can’t, then you don’t have to be.”
“Just do your BEST and God will do the REST. Once you achieve your goals, don’t forget to thank Him and always stay humble. My secret aside from those I have mentioned, I always pray and always asked that may His will be done. My personal relationship with the Lord and Mama Mary changed my life.”
“Be somebody nobody thought you could be.”
Napaka-inspiring, ‘di ba?