Na-touch ang aktres na si Kylie Padilla matapos makatanggap ng Valentine’s card mula sa anak na si Alas.
Sa larawang ibinahagi ni Kylie sa Instagram ay makikita ang card na may hand print at handwritten note ng panganay na anak nila ni Aljur Abrenica. “Dear Mom and Dad. I love you. Valentines,” nakalagay rito.
Nitong Valentine’s Day rin ay naging usap-usapan ang tila kumpirmasyon ng estranged husband ni Kylie na si Aljur at ng aktres na si AJ Raval nang magbahagi sila ng larawan nila sa Instagram.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” sabi ni AJ sa caption ng larawan nila ni Aljur sa dalampasigan. Nag-comment naman dito ng heart emoji ang aktor.
Nagbahagi rin si Aljur ng larawan nila ni AJ bagama’t hindi siya naglagay ng caption.
Samantala, ayon sa GMA News ay masaya si Kylie dahil aniya ay masaya ang lahat lalo na at hindi biro ang pinagdaanan ng iba noong pandemic.

“I’m happy for everybody, everybody’s happy and that’s what’s important. Seriously, after ng pandemic lahat tayo dumaan through some sort of depression and just to be happy is a blessing already. That’s coming from [my heart]. No joke. I’m just happy that everyone’s finding their happiness,” paliwanag ng aktres.
Sa parehong panayam aktres ay sinabi niya ring naging espesyal ang Valentine’s Day niya nang makatanggap siya ng card mula kay Alas.
“The best thing about my Valentine’s was binigyan ako ng card ng panganay ko. Gumawa siya for me, binati niya ko ng Happy Valentine’s,” sabi niya.

Noong 2021 ay inamin ni AJ na nasa getting to know stage na sila ni Aljur.
“Hindi ako magpapakaipokrita. ‘Di na ako magsisinungaling, ‘di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” ani AJ.
“Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”