Nagulantang ang maraming followers at mga kaibigan ng 25-anyos na aktres na si Liza Soberano nang ma-wipe out ang lahat ng kanyang posts sa photo-sharing app na Instagram kamakailan.
Hindi na mabibilang ang mga naibahagi niyang milestones doon kaya’t labis na nag-alala ang mga followers kung binura ba o nabiktima ito ng hacking incident. Gayunman, wala namang pahayag na inilalabas ang kampo ng aktres kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa IG account nito.
Basahin: Liza Soberano, binura nga ba ang lahat ng larawang ibinahagi niya sa Instagram?

Nagbabalik
Gayunman, hindi naman naglaon at biglang may IG post na muli ang aktres. Na-recover na kasi? O sadyang ‘nilinis’ lang ng management team ni Liza ang account nito para sa pagsisimula ng bago niyang yugto sa tinatahak niyang direksyon?
Sa isang Instagram story ay ibinahagi niya ang kanyang IG post kalakip ang link sa kanyang official Youtube channel. “Life update soon,” sabi nito sa kanyang text.
Mapapaisip ka sa bagong post ng aktres sa account niya na may 17.6M followers. Kalakip ng ilang larawan ay tila isang tula o kaya’y mga liriko ng isang awit. Clue kaya ito na may lalabas siyang music video? O sadyang may poetic feels ang aktres ngayon? Abangan!
Sa mga komento ay may nagbigay ng kanilang saloobin at mga sapantaha. “Inarchive lang siguro,” sabi ng ilan na ang tinutukoy ay ang mga larawang hindi na visible sa IG niya.

“Read between the lines, it’s a fresh start, an intro to her new endeavor…”
“The poem talks about her current feelings. What a coincidence that she posted after the alleged “hacking” situation? 🤔 na hacked nga ba talaga or it’s a move to start with a clean slate to show her new image?”
“May this chapter of your life story thrust you into an adventure that will reward you with unforgettable memories. Fly, Hopia. With wings made out of your courage and strength.”
Mas lalo siyang pinag-uusapan ngayon dahil sa nakapagtatakang pangyayari sa IG account niya. Ang aktres ay kasalukuyang nananatili muna sa America dahil sa bagong career path na tinatahak niya.

Nauna nang napaulat na sinabi ni Liza sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz na nais nitong sumubok magkaroon ng career sa Hollywood.
Basahin: James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms
“Siyempre hindi naman ako ‘yung tipong alam ko rin ‘yung hanggang Hollywood. Kumbaga, hanggang dito lang ang kaalaman ko bilang manager,” pagbabahagi naman ni Ogie sa isang chika vlog.
“Ipinakilala na niya sa amin ang bagong team na hahawak ng kanyang career. May bago na siyang management. Pero ako naman, ‘yung transition ay unti-unti ipinapasa na namin si Liza sa kanya at ‘yun ay walang iba kung hindi ang team ni James Reid.”