Sinundan ng marami ang journey ng love story nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario hanggang sa tuluyan na silang nagkaanak noong Enero 23 taong kasalukuyan. Hindi biro ang milyun-milyong views sa bawat video na ibinabahagi ni Whamos at ng Team Whamonette kaugnay sa pagsilang sa kanilang panganay.
Tunay na sikat na nga ang kanilang baby na pinangalanan nilang Adriel Meteor o Baby Meteor bilang palayaw. Ang sarili nitong Facebook page ay may 791K na ngang followers bukod pa sa Instagram. Cuteness overload kasi ang hatid ng kanilang anak.

Masayang-masaya ang dalawa sa bagong yugto ng kanilang buhay.
Mula sa pagle-labor ni Antonette ilang araw bago ito nanganak hanggang sa tuluyan na nitong nailuwal ang kanilang anak na lalaki ay masinsing naidokumento ni Whamos ang mga kaganapan. Ganoon sila kasaya na ibahagi sa kanilang mga tagahanga ang mga updates sa kanilang ‘Baby Meteor Journey’.
Kaya naman nang gawin na ang first photoshoot ni Baby Meteor ay maraming agad sumubaybay. Ibinahagi ni Antonette Gail sa kanyang FB page ang video ng excitement nila sa bagong kaganapan. Ipinakita nito sa isang vlog ang pagse-setup sa gagawing pictorial sa kanilang tirahan. Mabusisi pala talaga lalo na’t may outer space pang props. (I-click ang imahe sa ibaba kung nais mapanood ang video.)
Bukod sa masayang paglalahad ni Antonette ay mayroon ding uploaded video sa kanilang YouTube channel na Whamos Vlogs.
Dahil hango sa meteor ang naging pangalan ng kanilang anak, hindi nakapagtataka na ang outer space ang naging tema ng photoshoot ni Baby Meteor.
Outer Space-themed Photoshoot
Itinapat nila sa nap time ng sanggol ang pictorial para nga naman mas madali ang magiging takbo ng pagkuha ng pictures nito. Hindi maiiwasan na nagigising si baby kaya’t may katagalan din naman. 🙂
Nakailang palit din ng costume ang baby kaya naging busy talaga ang mga photographers. At syempre, may gising moments din naman ang Baby Meteor at mukhangg nagpapakwela rin sa grupo ng videographers at photographers.

Ayon kay Whamos, buwan buwan nilang ipapa-photoshoot ang kanilang bundle of joy bilang milestones.
Basahin: FB page ni Baby Meteor dinagsa ng followers, lampas kalahating milyon agad in just two days
Ibinahagi din nila sa followers nila ang masayang photoshoot sa kanilang Whamos Vlogs channel sa YouTube:
