Glaiza sa business nila ng asawa: 'Minsan makikita ako ng mga tao sa Baler naghuhugas ng plato'

Masayang ibinahagi ng award-winning actress na si Glaiza De Castro kung gaano niya ine-enjoy ang pagiging hands on sa coffee shop business nila ng kanyang asawa sa Baler, kung saan naghuhugas siya ng mga plato at nagse-serve ng pagkain sa kanilang mga customer.

glaiza business

Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ni Glaiza na naging malakas ang Brew Box Baler na itinataguyod nila ng mister na si David Rainey, lalo na nitong nagdaang Semana Santa.

[RELATED – ‘What I have is his, what he has is mine’: Glaiza ibinahagi kung bakit wala silang prenup agreement ng kanyang mister]

“Minsan makikita ako ng mga tao sa Baler naghuhugas ng plato. ‘Di pa ako dumadating sa kape pero nagpe-prepare ako ng mga food,” pagbabahagi ng Kapuso star.

“No’ng Holy Week po, that was our busiest week and nakita ng tao ‘yong struggle ko din kasi I was also trying to help David,” pagpapatuloy niya.

glaiza business

Ayon sa aktres, bagama’t bago sa kanya ang pagnenegosyo dahil mas nasa showbiz ang alam niyang trabaho, nae-enjoy niya ito ngayon at natutuwa siya kung paano niya nalalampasan ang mga challenge na kaakibat nito.

“Though may mga staff din kami, ang sarap din sa experience na ma-overcome ko ‘yon na kahit na hindi ako familiar sa ganitong klase ng set-up,” sabi pa ni Glaiza. “Parang role pero totoong buhay na siya.”

[RELATED – Glaiza itinanghal na Best Actress sa California]

Bukod sa coffee shop, mina-manage din ni Glaiza ang Casa Galura bed and breakfast business niya.

glaiza business

Pebrero 2022 nang aminin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong Oktubre 2021.

“It wasn’t easy for us, much like every relationship. We all have our own patterns and design. Marriage isn’t our end goal, it’s just a part of what’s to come,” saad ni Glaiza sa caption ng mga litratong ibinahagi niya sa Instagram. “As what @karenthecelebrant had stated: Love is a temporary madness, it erupts like volcanoes and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your root was so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is.”

Narito ang buong Fast Talk with Boy Abunda episode kung saan nagkuwento si Glaiza tungkol sa business nilang mag-asawa:

Post a Comment

Previous Post Next Post