Marami sa atin ay nag hahangad na magkaroon ng magandang katawan pero ang kagandahan ng katawan ay nangangailangan ng matinding disiplina. Kailangang maging maingat tayo sa ating kinakain at maging regular sa gym para makuha ang magandang resulta. Ngunit iilan lang sa atin ang may disiplina sa ating kinakain at maging sa pagpunta sa gym.
Kilalanin ninyo si Natalia Kuznetsova na isang powerlifter sa Chita, Russia. Ang kanyang mga larawan ay naging trending sa social media na nakatatawag atensyon sa mga netizen dahil sa kakaibang laki nito. Ipinakita niya ang naging resulta sa kanyang katawan matapos ang ilang taong pagtitiyaga at pagsisipag na makamit ito.
Siya ay 26 taong gulang pero nagsimula siyang maging body builder nong siya ay 14 taong gulang pa lang. Sa kanyang kabataan, tumitimbang lang siya ng mas mababa pa sa 40kgs at nag desisyon siya na mag body building para makakuha ng mas malaking timbang. Hindi niya inakala na nagustuhan niya ang bodybuilding at hindi na niya ito binitiwan. Sa kasalukuyan, tumitimbang siya ng 90kgs at nag iinsayo ng ilang oras kada araw.
Ang kanyang prayoridad ngayon ay ang pag iinsayo. Maingat din siya sa kanyang mga kinakain. Kumakain lang siya ng mga masusustansya. Gumagamit lamang siya ng protein powder sa kanyang pagkain sa halip na sauce o iba pang pampalasa.
Nakamit din niya ang maraming “world records” gaya ng bench press at deadlifting. Enanunsyo ng dalaga ang kanyang pag reretiro sa nakaraang taon pero hindi pa niya kayang talikoran ang sport na kanyang natutunang mahalin. Kaya ngayon ay patuloy pa rin siya sa kanyang nakagawian. Sa kasalukuyan, siya ay nag iinsayo sa kanyang comeback event sa Moscow.



