Katulad ng ibang negosyante, marami ang nagsimula sa maliit at nakaranas ng hirap bago makamit ang kanilang goals o layunin sa buhay.
Pinatunayan ni Vince Isabelle Lorzano, 26, mula Lipa, Batangas na sa pagsusumikap at determinasyon ng isang tao, lahat ng pinapangarap ay posibleng makamit.
Sinimulan ni Vince ang kanyang negosyong fried noodles na ‘Noodztogo’ sa gitna ng pandemya dahil sa isang “food craving.”
Ngunit hindi tulad ng ibang negosyante, ang negosyo ni Vince ay hindi umano planado o inaasahan. Unexpected business ito.

“At first, hindi ko talaga alam na may mag-o-order sa’kin. Nag-post ako sa Instagram ko na nagtitinda ‘ko pero joke lang ‘yon. Parang hindi ko naman talaga intensyon na magtinda talaga. Sabi ko, “Delivery, sa susunod na araw.” Tapos, ‘di ko in-expect na seseryosohin pala ng mga friends at followers ko sa Instagram,” aniya sa ‘The Philippine Star’
Ayon kay Vince, umabot ng 70 cups ang kanyang first order sa pamamagitan ng kanyang first posting sa Instagram.
“‘Yung first order ko talaga, ‘yung first na posting ko na umabot siya ng 70 cups. One day lang ‘yon.”

Habang nasa work-from-home set up siya, patuloy naman na dumarating ang mga order sa kanya. Halos napapagsabay ni Vince ang kanyang full time job at negosyo.
Ang kusina nila sa bahay ang nagsilbing lugar niya para mag-accommodate at magluto ng mga order. Tinutulungan din siya ng kanyang pamilya na i-manage ang kanyang negosyo.
“So nag-start siya na nagluluto ako sa umaga, ide-deliver ko rin siya sa hapon. Ang hirap talaga ‘yung month na nasa bahay lang na wala kang maayos na lutuan, wala kang maayos na storage.”

Kaya naman, makalipas ang ilang buwan ay binuksan ni Vince ang kanyang unang stall at ito ang katas ng kanyang pagsusumikap.
Kalaunan ay nagkaroon na rin ng apat pang branch si Vince at kumikita na ngayon ng 5 digits.
Mensahe naman niya sa mga millenials, “Kailangan malakas ‘yung loob mo. Kung gusto mo sa corporate world, corporate world. Kung kaya mo pagsabayin. Kasi kakayanin mo talaga eh. ‘Pag ‘yung goals mo alam mo, kakayanin mo kahit ga’no pa ‘yan kahirap.”
Sa kanilang Facebook page na Noodztogo ay masusundan ang kanilang journey at makakapamili sa nais ninyong orderin.
“It warms our heart knowing that we get to inspire other people as well. Our once small stall has now expanded into 4 more branches. Today, we are able to provide livelihood to more people and help support their families. We are growing, great things are coming,” mensahe naman niya sa isa pang FB post.
Panoorin ang video na ibinahagi ng Philippine Star:
