Enchong Dee ‘tahimik’ pa rin sa kinakaharap na kasong libel na isinampa ng kongresista

Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang kampo ni Enchong Dee ilang araw matapos lumabas ang balitang sinampahan siya ng kasong libel ni Rep. Claudine Bautista-Lim, ang kinatawan ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER party-list.

Magugunitang may kinalaman ang kasong isinampa ni Lim sa diumano’y malisyosong post ng Kapamilya actor hinggil sa engrandeng kasal ng kongresista sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim na ginanap sa Balesin Island Club noong Agosto.


Imahe mula sa Facebook ni Enchong Dee


Bagama’t humingi na ng paumanhin si Dee kay Lim sa pamamagitan ng isang tweet, hindi ito naging sapat para sa mambabatas at kaniyang mister para hindi ituloy ang kaso.

“While I would have preferred to be silent about this matter, my husband, like any good and loving family man, took it upon himself to seek redress from the legal system, to protect me and our family from baseless and damaging claims made against us,” ayon sa pahayag ni Lim.


Screenshot mula sa Twitter


Samantala, hanggang nitong Miyerkules, Nobyembre 17, nanatiling tikom pa rin ang bibig ng actor na karaniwang madalas mag-post ng kaniyang komento, reaksiyon at saloobin sa social media.

Kaya nagtataka ang mga tagahanga ni Enchong Dee kung ano ang plano ngayon ng kanilang idolo.


Imahe mula sa Facebook ni Rep. Bautista-Lim


Ayon naman sa ulat ng Bandera, mukhang pinagbawalan muna umano si Dee ng kaniyang kampo na maglabas ng pahayag hinggil sa kaso habang pinag-aaralan pa ang kanilang susunod na hakbang.

Noong isang araw ay napaulat rin na nakansela ang isang press conference na dadaluhan sana ni Dee noong Lunes, Nobyembre 15. Sa kabila nito, wala naman daw kinalaman ang kaso sa pagkakansela ng naturang presscon.


Imahe mula sa Facebook ni Rep. Bautista-Lim


Sa kasong isinampa ni Lim, humihingi ang kongresista ng P1-bilyong danyos – P500,000,000 para sa moral damages at P500,000,000 para sa exemplary damages.

BASAHIN:  Enchong Dee inireklamo ng kongresista; danyos na hinihingi P1 billion

 

 

Post a Comment

Previous Post Next Post