Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ang LTO ay mag-aalok na ng libreng comprehensive driver’s education program (CDE) para sa lahat ng magre-renew ng kanilang lisensiya.
![]() |
| Imahe mula sa Daily Tribune |
Kailangan umanong pag-aralan ang mga modules ng CDE at maipasa ang evaluation test para dito upang makakuha ng CDE certificate of completion.
Libre naman ang mga modules at review materials ng naturang CDE at maaari itong makuha sa portal ng LTO Land Transportation Management System (LTMS) o maging sa mga opisina ng ahensiya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nilinaw naman ng ahensiya na iba ang nabanggit na CDE module sa driver’s education module para naman sa student drivers at mga bagong license applicants.
![]() |
| Imahe mula sa Facebook| LTO |
Ito ay kaugnay na rin ng pagpapatupad ng LTO ng Republic Act No. 10930 simula noong nakaraang buwan kung saan maaari nang makakuha ang mga aplikante ng lisensiyang may 10-year validity.
Ang lisensiyang may 10-year validity ay maaari lamang ibigay sa mga aplikanteng walang traffic violations habang ang mayroong violations ay maaari lamang makakuha ng lisensiyang may 5-year validity.
Samantala, kinuwestiyon naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panibagong requirements para sa mga kukuha ng driver’s license na may 10-year validity.
![]() |
| Imahe mula sa PNA |
Kabilang dito ang requirement na ang bawat aplikante ay kailangang sumailalim sa 15-hour na “theoretical driving course,” na ayon kay Recto ay posibleng maging ‘money making scheme’ na naman ng ahensiya.
“My problem here is that the DOTr [LTO] has been very notorious about its moneymaking schemes, such as letting one pay off his or her passing a driving test, so here, there is this suspicion again that this could be another of those. That is the common complaint of our people,” giit ng senador.
![]() |
| Imahe mula sa announcement.ph |
Ayon pa kay Recto hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa ng LTO ng bagong requirements dahil salungat ito sa layunin ng Kongreso na kamakailan lamang ay nagpasa ng batas upang mabawasan, kung hindi man tuluyang matanggal, ang ‘red tape’ sa gobyerno.
Sinang-ayunan naman ito ni Senador Grace Poe na nagsabing hindi praktikal, lalo na ngayong panahon ng pandemya, ang nasabing patakaran dahil kailangan muling gumastos ang mga aplikante ng nasa P1,200 hanggang P1,500.
Magiging dagdag na pasanin lamang umano ito ng mga mamamayan, ani Poe.



