Mayor Joy Belmonte tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng helmet

Tiniketan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang sariling alkalde ng kanilang lungsod na si Joy Belmonte matapos maispatan ang opisyal na nagbibisikleta na walang suot na helmet.

Nitong Huwebes, Nobyembre 25, naisyuhan ng tiket si Mayor Belmonte matapos sumali sa isang grupong nagbibiking-for-a-cause sa isang kalsada sa Quezon City.

Kasama niya ring natiketan si Cherie Atilano ng UN Food System Champions at kapwa pinagmulta ng P500. Ang dalawa ay kasali sa grupong nagdaraos ng Cycle to End Violence Against Women bike event.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Ito ay paglabag umano sa umiiral na City Ordinance 2942-2021 ng lungsod, ayon sa QC DPOS.

Pinuri naman ng alkalde ang ginawa ng DPOS dahil nangangahulugan umano ito ng ‘walang sense of entitlement’ dapat ang mga opisyal ng gobyerno kaya tama lang na isyuhan sila ng tiket.

“I commend our DPOS for strictly implementing our ordinance kasi wala silang sini-sino kapag nagpapatupad ng batas,” ani Mayor Belmonte batay sa ulat ng QC Government.

Ang grupo ng mga cyclists ay umikot sa bike lane ng QC Hall, Elliptical road, hanggang Agham Road, at pabalik.

 

Maliban sa lokal na pamahalaan ng QC, dinaluhan din ang bike-for-a-cause ng embahada ng Netherlands at Austria, Philippine Commission on Women, Spark Philippines, at iba pang non-government organizations.

Ito ay upang gunitain ang 18 araw na kampanya para labanan ang karahasan laban sa kababaihan at ang ikatlong taong anibersaryo ng  #RespetoNaman Movement.

“Through this event, we hope to spread awareness among the general public about the importance of protecting the rights of women and girls by addressing all forms of gender-based violence,” wika pa ng alkalde.

Bukod dito, kabilang rin ang naturang event sa pagdiriwang ng National Bike Day ng lungsod na gaganapin sa November 18, 2022.

Samantala, nagpaalala naman ang QC local government sa mga siklista at motorista na sumunod sa patakaran sa lansangan at safety protocols para na rin sa kanilang kaligtasan.

 

 

Post a Comment

Previous Post Next Post