Tila tuloy pa rin ang intriga kay Kuya Kim Atienza matapos itong lumipat ng bakuran mula ABS-CBN patungong GMA 7 noong nakaraang buwan.
Naging laman ng balita ng dating ‘It’s Showtime’ host matapos ang kaniyang komento sa post ni Camille Prats hinggil sa bagong directorial job ng kapatid ng huli na si John Prats. Marami kasi ang nagsabing parinig daw ito sa ‘It’s Showtime’ bagama’t itinanggi na ito ni Kuya Kim.
BASAHIN: Kuya Kim hindi ‘nagparinig’ sa ‘It’s Showtime’: “Will never say anything bad about them”
Subalit hindi dito natapos ang intriga dahil sa naging hirit ni Ogie Diaz sa kaniyang “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan napag-usapan nila ng mga co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang paglipat ni Kuya Kim sa kabilang istasyon.
![]() |
| Imahe mula sa Facebook| Ogie Diaz |
Hango ito sa comment ng isang netizen na binasa ni Ogie sa kanilang vlog.
“Kuya Kim, kung ako sa ‘yo, since nagba-viral ka sa kaka-post mo, tulungan mo na lang ang tatay mo na manalo sa vice president,” ayon sa comment na binasa ng talent manager.
Sinang-ayunan naman ito ni Ogie Diaz at sinabing, “Pero kung tutuusin, may point. Dapat talaga tinutulungan na lang ni Kuya Kim. I-post niya yung daddy niya.”
Ang tinutukoy ni Ogie ay ang tatay ni Kuya Kim na si Rep. Lito Atienza na ngayon ay kumakandidato sa pagka-bise kasama ni Manny Pacquiao.
Kuya Kim sinagot si Ogie
Hindi naman ito pinalampas ng dating TV Patrol weather newscaster at idinaan sa Twitter ang kaniyang sagot.
![]() |
| Screenshot mula sa Twitter |
“Kumusta ka na? Congrats sa Youtube mo, very successful!” bungad ni Kuya Kim sa kaniyang post.
“Kahit gusto kong tulungan ang Dad ko at kahit sinong kandidatong gusto ko, binabawal ng @gmanews ang any political activity such as campaigning lalo na sa kamag anak. Be well dear @ogiediaz,” patuloy nito.
Ganunpaman, may mga netizen na nagtanggol kay Ogie Diaz dahil binasa lang naman umano nito ang komento sa kanilang vlog.
![]() |
| Screenshot mula sa Twitter |
Sumagot din at nilinaw ng talent manager ang kaniyang sinabi. Anito sa kaniyang Twitter: “Sabi yan ng isang netizen, kuya kim. I just verbalized it. I know sa news talaga, bawal ang kampanya. Ingat ka din.”



