Pagbibigay ng booster dose para sa mga health workers inumpisahan na

Inumpisahan na nitong Miyerkules, Nobyembre 17 ang pagtuturok ng booster shots para sa mga fully-vaccinated na health workers sa bansa.

Paliwanag ng Department of Health (DOH), maaaring mamili ang mga health workers ng brand na gustong iturok sa kanila bilang booster shot at hindi kailangang kapareho ito ng kanilang primary COVID vaccine.

Inirerekomenda naman ng FDA ang mga brand na Moderna, Pfizer, AstraZeneca o Sinovac para maging booster shot.

Imahe mula sa Mexico Daily Post

Sa inilabas na Department Order ng DOH, may Kalayaan umanong mamili ang mga health workers kung gusto nila ng homologous o heterologous booster dose bagama’t depende pa rin ito sa availability ng bakuna sa kanilang lugar.

Ang homologous dose ay ang pagturok ng bakunang kapareho ng naunang primary vaccine, habang ang heterologous booster dose ay paggamit ng ibang brand.

Ang rekomendasyon ng DOH para sa heterologous dose ay:

Sa mga naturukan ng Sinovac, puwede ang AstraZeneca, Pfizer o Moderna bilang booster shot.

Sa mga naturukan ng AstraZeneca, maaari ang Pfizer o Moderna.



Sa mga naturukan ng Gamaleya Sputnik V: puwede ang AstraZeneca, Pfizer, o Moderna.

Sa mga nabakunahan ng Ad26.COV2.s (Janssen), maaring maging booster shots ang AstraZeneca, Pfizer, o Moderna.

Sa mga nabakuahan naman ng Pfizer, puwede ang AstraZeneca o Moderna.

Samantala, para sa mga nabakunahan ng Moderna, maaaring gawing booster dose ang AstraZeneca o Pfizer.

Imahe mula sa NDTV


Hanggang noong Lunes, Nobyembre 15, ay nasa 2.6 milyong health workers na ang fully vaccinated sa bansa, habang nasa 31.8 milyon naman mula 109 milyong populasyon ang fully vaccinated na rin.

Nilinaw naman ng DOH na pawang mga health workers muna ang makatatanggap ng booster dose at hindi pa kasali dito ang kanilang mga kapamilya o kaanak.

“Ang binigyan pa lang ng EUA ng FDA is for us to deploy or provide boosters to senior citizens, healthcare workers, and to individuals with comorbidities. So ‘yun pong expanded A1 for family members, hindi po muna natin sila bibigyan,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.

Post a Comment

Previous Post Next Post