Talk of the town ang maangas na bagong tattoo ng singer-actress na si Nadine Lustre. Isa iyong dragon sa kanyang kanang balikat.
Ang mabangis na dragon tattoo ay nagsimula sa ibabaw ng balikat ng aktres at ang buntot niyon ay makikitang pababa sa kanyang braso.

Ang tattoo artist na si Indygrain ng Vimana Tattoo sa Quezon City ang ang nag-tattoo kay Nadine.
“Large piece for Miss Nadine Lustre. Salamat sa tiwala,” lahad ng tattoo artist.
Hindi iyon ang unang tattoo na ginawa ng Vimana Tattoo para kay Nadine. Nauna na siyang tinatuan sa kaliwang braso ng lotus design.
“Spiritual enlightenment lotus for Nadine Lustre. Salamat sa pag collect indygrain design please do not copy,” tweet noong 2020 ng tattoo artist.
Bukod sa pagta-tattoo, ang Vimana ay nag-o-offer din ng body piercing.
Ishinare din ng Vimana na kasabay ni Nadine na nagtungo sa kanilang shop ang young actress na si Andrea “Blythe” Brillantes. Hindi nga lang malinaw kung nagpa-tattoo o nagpa-body piercing si Andrea.

Sa panahon ngayon, hindi na itinuturing na taboo ang pagpapalagay ng mga tattoo sa katawan. Isa na ito ngayong body art sa paningin ng mga nahihilig sa ganito.
Gayunpaman, dapat pa ring pag-isipang mabuti ang pagpapa-tattoo, lalo na’t iyon ay permanente.
Ang unang pinakamahirap na desisyong gagawin ng magpapa-tatooo ay ang disenyong itatatak sa kanyang balat. Bukod pa ito sa malalaking karayom na itutusok na may dalang sakit at hapdi.
Narito ang ilan sa mga payo ng mga netizens bago magpa-tattoo:

“A tattoo should tell your story. Get a design that represents you or your journey. Regret is inevitable. So, don’t rush into getting one. Ask around for artists from people you know who’ve been inked. Feel and enjoy the pain. It seriously gets addicting.”
“Honestly, if you want a tattoo that holds a lot of meaning then get a tattoo that holds a lot of meaning. If you want to get a tattoo that’s super random and means nothing like a slice of pizza, then get a slice of pizza. Why not? Your body, your choice. Make sure that you check out the portfolio of the tattoo artist and agree with each other 100%. Do not settle for less.”
“Get a tattoo because you want it. It doesn’t have to have a “deep meaning” in order for it to be worth it. You wanting a tattoo is enough of a reason to get one. Don’t let people judge you for it not having a “meaning” or “backstory” that they expect. You don’t have to explain yourself to people who ask.”
“Wag maglagay ng name ng jowa. Kapag nag-break hindi na mabubura. That is the first rule.”
“Check the spelling. Wrong spelling, wrong.”
