Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.
“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.
Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”
Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.
“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.
Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.
“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”
Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.
“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.
“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.
“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.”
“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”
Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.