Basketball player, iniwan ang career sa PBA para sa pamilya, naging truck driver sa Canada

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa. Mahigit tatlong taon na siyang nagmamaneho ng truck.

Panoorin ang kanyang #Tistan vlogs sa YouTube:

Post a Comment

Previous Post Next Post