Kalaboso ang isang 28 anyos na graphic artist sa Pasay City matapos mahuling nagbebenta ng pekeng vaccination cards sa kaniyang mga kustomer.

Imahe mula sa GMA News
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Marcelo Cabansag na nadakip sa isang printing shop sa P. Arnaiz Avenue, Libertad.
Ibinebenta ni Cabansag ang mga pekeng vaccination card sa halagang P100. Paniwala ng pulisya, maaaring konektado siya sa mga barker na naaresto matapos magbenta nito sa mga pasahero na pauwi sa kanilang probinsya.
Sa isang ulat ng GMA News, sinabi ni Pasay Police chief PCol. Cesar Paday-os na may kopya si Cabansag ng vaccination card na siyang ineedit niya gamit ang nakumpiskang computer.

Imahe mula sa GMA News
Binabantayan nila ang ganitong mga aktibidad sa pamamagitan ng pag-deploy sa mga pulis na may kopya ng original na vaccination cards upang makumpara nila ang tunay at peke.
“Lahat ng mga nasa checkpoints na pulis namin, meron silang sample to check. Makikita mo naman talaga kung ito ay falsified at saka madali naming ma-access ito,” sabi ni Paday-os.

Imahe mula sa GMA News
Samantala, binigyan ng 30 araw na window ang mga unvaccinated at partially vaccinated at pinayagang muling makasakay sa mga pampublikong transportasyon.
Paliwanag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio Tuazon, Jr, gusto nilang protektahan ang mga hindi pa nababakunahan o kulang pa ang natatanggap na dose lalo na dahil at risk sila sa malalang mga sintomas ng COVID-19.
“We want our workers to get fully vaccinated, especially now that there is no longer a shortage of Covid-19 vaccines, and there is a threat of highly transmissible variants of the virus. We are giving our workers the time to get themselves vaccinated,” ani Tuazon.
“As jointly decided by the DOLE, DILG, and DOTr, workers who will remain unvaccinated 30 days after the announcement are not being barred from their workplaces. They are simply not allowed to use public transportation, but can still use other means, such as active transport, private vehicles, or company shuttle services,” paliwanag niya pa.
Panoorin dito ang ulat ng GMA News.