Hindi pa rin nagpapaawat sa kaniyang mga ‘pasabog’ ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza.
Nung isang araw lamang ay trending sa social media ang ibinulgar niya na diumano’y tunay na estado ng relasyon ng magka-love team na sin Andrea Brillantes at Seth Fedelin, at idinamay pa ang aktres na si Francine Diaz.

Imahe mula sa Facebook| Xian Gaza
Nagbahagi pa si Xian ng screenshot ng kaniyang DM sa Instagram kay Andrea na tinatanong kung ang totoong girlfriend ba ni Seth ay si Francine at hindi siya na talagang ka-love team lamang umano.
Nitong Huwebes, ay muling nagbahagi ng isang video sa Facebook ang kontrobersiyal na negosyante kung saan ay makikita ang isang lalaking naglalakad kasama ang ilang kaibigan.
“Seth Fedelin sino yung kasama mo sa Batangas? Hindi daw si Andrea at hindi rin si Francine. Sino yung babaeng nakaputi na hindi kita yung mukha sa video?” ito ang caption ng naturang video.

Screenshot mula sa Facebook| Xian Gaza
Sa mga sumunod na post ni Xian ay tila lumalabas na galing ang video sa isang source na binayaran niya ng P3,000 sa pamamagitan ng GCash. Ibinahagi niya rin sa Facebook ang screenshot ng pag-uusap nila ng kaniyang source.
Subalit isang netizen ang hindi kumbinsido na totoo ang ipinagkakalat na ‘tsismis’ ng ‘Pambansang Marites’.

Imahe mula sa Facebook| Xian Gaza
Sinabi ng netizen na tila hindi tama ang impormasyong nakuha ni Xian dahil limang araw na ang nakararaan nang maligo sa dagat si Seth Fedelin. Idinagdag pa nito na lumalabas na sayang lamang ang ibinayad niyang P3,000 sa source.
Kaagad naman itong sinagot ng batang negosyante.
“Sinong bang may sabi na today yung Batangas? Ikaw lang ata ang nakaisip niyan. Makikitsismis ka na nga lang eh hindi gamitan ng utak,” balik ni Xian sa nagkomento.

Imahe mula sa Facebook| Xian Gaza
“Saka paano naging sayang yung 3K? Eh parang 30 pesos sa akin yan. Kinikita ko yan between 10-30 minutes habang tulog. So barya,” dagdag pa nito.
Hindi na bago si Xian Gaza sa mga kontrobersiyal na ‘pasabog’ sa social media na kalimitan ay sangkot ang mga showbiz personalities.
Dahil dito, madalas ay laging viral ang kaniyang mga ‘tsismis’ at hindi siya nangingiming aminin na siya ay isang lalaking ‘Marites’, ang kolokyal na tawag ng mga Pinoy netizens sa mga tsismoso at tsismosa. lol