Wendell Ramos nilinaw na ang naging ‘isyu’ nila ni Direk Erik Matti

Nagpaliwanag si Wendell Ramos tungkol sa ‘isyung’ namagitan sa kanila ni Direk Erik Matti matapos sabihin noon ng huli na may isang aktor na ayaw na niyang makatrabaho kahit kailan.

Naglabas kasi ng sama ng loob si Direk Erik sa isang panayam ni Ogie Diaz noong Nobyembre kung saan sinabi nitong nainis siya sa isang aktor na bigla na lang naglaho sa kalagitnaan ng kanilang shooting ng ‘On The Job: The Missing 8’ na ipinalabas sa HBO Go.

Imahe mula sa Variety

Bagama’t hindi pinangalanan ni Direk kung sino ang aktor na kaniyang tinutukoy, marami ang nagsabing si Wendell ito dahil bigla na lang itong nawala sa OTJ at hindi na napanood.

“Nawala na ’yong isang artista. Umuwi. Walang paalam. Kasi daw may taping pa s’ya the next day,” paglalahad ng batikang direktor.

Paliwanag ni Wendell

Sa panayam ni Gorgy Rulla ng PEP Ph para sa presscon ng ‘Prima Donnas’, sinagot ni Wendell ang nasabing isyu.

Aniya, ipinaalam ng kaniyang handler sa production team ng OTJ na kailangan na talaga siya noon sa shooting ng ‘Prima Donnas’.

Imahe mula sa IMDB

“Alam naman po ng production, e. May mga scenes po na nangyari pong ganun na I have to go back sa Prima Donnas, and nag-ayos naman po ng schedule ko nun is under PPL,” paliwanag ng aktor.

Giit pa ng Kapuso hunk, hindi siya gumagawa ng desisyon na walang permiso ng kaniyang talent agency na PPL Entertainment Inc. at ng kaniyang handler.

Ayaw na umano niyang patulan pa ang isyu para hindi na ito lumaki pa dahil maaaring nagkulang lang sa communication ang isa’t-isa.

Imahe mula sa IMDB

“Siguro po, dun sa side po nina Direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up, which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. ‘Yun lang po ‘yun,” paliwanag pa ng aktor.

Umaasa naman ang mga entertainment writers na nasa presscon na muling magkakaayos sina Direk Erik at Wendell para hindi na ito humantong pa sa mas malalim na hidwaan.

Post a Comment

Previous Post Next Post