Taong 2004 nang unang nagkakilala sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa isang pelikula – ang ‘Enteng Kabisote – kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Noong 2006 naman nang na-reunite ang dalawa sa ‘Enteng Kabisote 3.’ Dito ay may espesyal na umanong nararamdaman si Oyo para kay Kristine. Uma-attend din ang dalawa sa isang bible study group.
Sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga ay inungkat nito ang nakaraan ng mag-asawa kaugnay sa unique proposal ni Oyo.
“Yung proposal n’yo, kakaiba eh. 2009, nung nag-propose ka, hindi kayo mag-on nun. Sa isang bible study group nangyari,” pagsisimula ni Toni.

Inamin naman ni Oyo na wala pa sa isip niya ang pagpapakasal noon at gusto lang nito na maging ‘steady.’ Marami pa daw siyang gustong gawin sa buhay niya katulad ng paggawa ng pelikula. Bilang artista nais pa niyang masubukan ang iba’t-ibang klase ng pelikula.
“Wala sa ‘kin yung kasal kasal nung time na yun eh, parang gusto ko steady lang ako. Walang label eh, kung tutuusin para kang ‘free guy.’ Convenient sobra, lagi ko siyang nakakasama, lagi ko siyang kausap pero walang commitment.”

Imahe mula sa Instagram | Kristine Hermosa
Noong 2009, nagising na lamang siya at biglang nagdesisyon na mag-propose kay Kristine sa isang bible study group nila kahit na walang relasyon ang dalawa. Ito ay ikinagulat naman ng kanilang ka churchmates. Inamin din ni Oyo na hindi niya planado ang biglaang pagpro-propose na iyon.
“Walang idea ‘yung mga pinsan ko na nandun, walang idea si Pastor Robert na andun, na bigla ko palang iisipin na mag-propose.”
“So lumuhod ako, nilabas ko yung singsing, sabi ko, ‘Will you marry me?’ So lahat ‘nung mga kaibigan namin tsaka mga pinsan ko [nag-cheer]. Ito, umalis. Tumakbo sa likod,” pagpapatuloy niya habang itinuturo si Kristine.

Mapapansing masaya si Kristine habang ikinukuwento ito ng kanyang asawa.
Tinanong naman ni Toni si Kristine kung bakit ito tumakbo ‘nung nag-propose si Oyo sa kanya.
“Natakot ako. Kinabahan talaga ako, sabi ko, ‘Huh? Ano ‘to?’ Nagtago ako sa likod ng bahay ni Danica, nagdasal ako. Totoo, nagdasal talaga ako, sabi ko ‘Lord, ano ‘to? Bakit ganito? Hindi naman kami ah, bakit siya nag-propose?” tugon niya kay Toni.
Gayunpaman ay wala naman daw pagsisisi si Kristine nang sagutin niya si Oyo kahit na magkaibigan lang sila noon. Sinabi rin niya na iyon ang isa sa mga naging best decisions niya sa buhay.
Kung nabitin ka sa kuwento nila, narito ang sumunod na eksena — ang kasal nila taong 2011 January.