Ang aktres na si Lotlot de Leon ay nagbahagi sa social media ng saloobin kaugnay sa kanyang ika-50 na kaarawan.
“This tiny thing entered my car when I opened my window.. this little dandelion made me smile this morning.. a dandelion is a symbol of growth, hope and healing,” ani Lotlot sa kanyang post.

“So yes, I turn 50 today and I am grateful for all that life has brought and taught me..for all the good and the bad.. Grabe.. ang dami ko pa gusto i-share at sabihin pero cge ito na lang.. sa lahat ng nagmamahal at nag titiwala, salamat.. Sapat na sapat kayo! “
Bukod sa kanyang saloobin sa pagtuntong niya sa golden years ay nagpasalamat din siya sa Panginoon sa kanyang blessings na natatanggap at sa kanyang pamilya.
“Papa God, thank you ikaw na po bahala sa akin lage.. alam nyo na po yun! And here’s looking forward to many more years of blessedness with my family. #goldengirl,” dagdag ng aktres.
View this post on Instagram
Samantala, nagpost rin ang anak ni Lolot na si Janine Gutierrez sa Instagram. Nagbahagi ito ng throwback photos para sa kanyang ina sa espesyal na kaarawan nito.
“How did I get so lucky. Happy birthday, mama! I love you so much,” mensahe ni Janine.

Ibinahagi din ng kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez ang kanyang birthday greeting para sa kanilang ina.
“Two pictures probably 20 years apart but still same same. Missing you on your birthday mama but we’ll celebrate when you get back from lock-in! Happy birthday we love you!!” ayon sa post ni Diego sa kanyang IG.

Maraming followers at mga kapwa celebrity ang bumati sa kaarawan ni Lotlot.
“nikkivaldez_ – Happy Birthday, Ate Lot!!!! “
“benedixramos – Dandelion – Danda ni Ms. Lotlot De Leon 😍 Happy Birthday po ulit!!!”
“Happy Fabulous Golden Birthday! Stay Blessed!”
View this post on Instagram