Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo ipinagdiwang ang ika-13 anibersaryo ng kasal: 'Best decision ever'

Ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nagdiwang ng kanilang ika-13 anibersaryo ng kasal nitong Huwebes, Abril 28, 2022.

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Judy Ann ang throwback photos nila ng kaniyang asawang si Ryan.

“13 years married.. 18 years together. 2 years na lang, 2 dekada na tayong magkapiling,” aniya sa kaniyang caption post.

Sinabi ng aktres na ito ang “Best decision” na ginawa niya.

“Best decision ever! Through ups and downs, back pains and stiff necks.. life with you and our little ones.. will always be my greatest blessing.. I love you with all my heart.. @ryan_agoncillo.”

Nagkomento naman si Ryan at sinabing, “‘yung back pains ang nagdadala eh.”

Samantala, nagbahagi rin si Ryan sa kaniyang Instagram account ng isang black-and-white na larawan kasama ang kanyang asawa.

Nilagyan lang niya ng caption ang larawan ng, “13” na may heart emoji.

Nagkomento naman si Judy Ann at pabirong sinabi na, “Hanggang ngayon iniisip ko pa rin, bakit ba pantulog ang sinuot ko at hindi ako nag tube nung gabing nag propose ka!?”

Pinaulanan naman sila ng mga kapwa celebrities ng anniversary greetings kabilang sina Angel Locsin, Maja Salvador, Marian Rivera, at Jolina Magdangal.

Nagbigay rin ang megastar na si Sharon Cuneta ng heartfelt anniversary message sa mag-asawa.
“Happy Anniversary too to our brother Ryan and our sister Juday !!! We love you with all our hearts!!! At kahit bawal sa inyo ang ikampanya ang kahit sino, kasama namin kayo lagi!!! God bless you and your family always! You are family to us and hanggang kabilang buhay na dikit mga pusod natin!!!

Marami ding netizens ang bumati sa mag-asawa.

“Happy anniversary to both of you, enjoy your day mga idol sakalam. We love you mam Judy Ann Santos Agoncillo, keep strong God bless you all. Happy together for a while, strong and keep safe always family.”

“Congratulations, sir Ryan Agoncillo and mam Judy Ann for doing and fulfilling your job very successful until now. Happy Anniversary to both of you! Love you.”

Ang mag-asawa ay nagpakasal noong 2009 at mayroon na silang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Post a Comment

Previous Post Next Post