Xian Gaza nagbigay ng P2,000 sa netizen na nagsabing may hawig siya kay Daniel Padilla

Mabilis na nag-viral ang post ng online personality na si Xian Gaza patungkol sa isang netizen na nagsabing may hawig siya kay Daniel Padilla ng Kapamilya Network.

“Pinakagusto ko sa isang tao eh ‘yung honest,” aniya sa kaniyang caption.

Ibinahagi ni Xian ang convo nila sa kaniyang Facebook account kung saan isang larawan ni Xian ang ipinadala ng netizen at sinabing kamukha nito ang aktor.

“Amina, Gcash mo hija,” reply ni Xian na agad namang pinadalhan ang netizen ng P2,000.

Nagulat naman ito sa hindi inaasahang pagbibigay ni Xian sa kaniya ng pera dahil umano sa pagiging honest nito. Agad ding nagpasalamat ang netizen.

“OMG!!!! Panaginip ba ito? waaaaaaaaa thank you po agad agad kuya DJ.”

“Received na poooo!! Waaaah thank you pooooo. Pagpalain po kayo ng sobra sobraaaaa,” ani netizen at ipinakita pa ang proof na nag-send talaga si Xian ng P2,000.

 

“Sino pala mas kamukha ko? Daniel Padilla or James Reid?”

“Daniel Padilla po s’yempre naman. Mula ulo hanggang paa yarn,” sagot naman ng netizen.

Sunod-sunod naman ang naging komento ng iba pang netizens sa post sa pagbabaka-sakaling mabiyayaan din sila ni Xian.

“Ikaw lang sapat na!! Pgcash na lang hahahah.”

 

“Mars, napanood ko ulit ‘yung Troy. Gustong gusto ko ‘yung fight scene niyo ni Hector. Hindi sa nambobola ah, pero nag-PM na rin ako ng Gcash number ko.”

Matatandaan namang sumagot si Xian sa aktor na si Kit Thompson matapos siyang sabihan sa post na “stop spreading misinformation” tungkol sa kanyang viral blind item sa Facebook.

“Official statement of Xian Gaza to Mr. Kit Thompson: Hindi ko alam ‘yung mga sinasabi mo. Wala akong alam diyan. Ang tinutukoy ko sa aking mga posts ay ‘yung kapitbahay ko sa Bangkok na may spongkey. Huwag mo ako idamay sa gulo niyo please lang,” ani Xian sa kaniyang post.

Basahin: Xian Gaza sumagot kay Kit Thompson hinggil sa ‘stop spreading misinformation’ nito.

Post a Comment

Previous Post Next Post