Sa panayam ni Bianca Gonzales kay Dingdong Dantes, na may pamagat na ‘Paano ba pumili ng mga iboboto?’ sa kaniyang YouTube channel, ay ibinahagi ng aktor ang ilan sa kanyang political opinions.
Ayon kay Dingdong, ang 2022 Election ang pinakamahalagang halalan para sa ating henerasyon dahil sa patuloy na COVID-19 pandemic.
Sinabi ng aktor na dapat suportahan ng mga botante ang mga pulitiko na pinaniniwalaan nilang kayang tugunan at lutasin ang iba’t ibang isyung sosyo-ekonomiko na dulot ng pandemya.

“Ang base sa mga observations ko and discernment, sa palagay ko, ito ay isa sa pinakamahalagang eleksyon ng ating henerasyon. ‘Yung upcoming elections is really about ‘yung recovery — socio-economic recovery — hindi lang ng bansa, kundi ng buong mundo. Pero s’yempre, focus lang muna tayo dito sa atin,” aniya.
Higit pa rito, hinimok ni Dingdong ang mga botante na isipin ang kinabukasan ng kanilang mga anak kapag sumusuporta sa mga pulitiko.

“Higit sa lahat, like what you said, it’s about the future of our children. This is about choosing a kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing the challenges of the pandemic and all the other problems.”
Dagdag pa ng Kapuso star, kung sino man ang iboboto ng mga tao ay kumakatawan sa kanilang mga pinahahalagahan at paniniwala.
“Kailangan win or lose papanindigan mo ‘yung kandidato mo. Kasi ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo. Ito ay representation ng values mo, representation ng paniniwala mo.”

Samantala, isa si Dingdong sa gaganap bilang policeman sa ‘A Hard Day’ na showing na sa NetFlix.
Pinangunahan ni Dingdong ang ‘A Hard Day,’ ang ikatlong opisyal na remake ng 2014 South Korean hit ni Kim Seong-hun, pagkatapos ng Aaron Kwok-fronted Peace Breaker (2017) at French adaptation na Restless mula sa unang bahagi ng taong ito.
Panoorin.