Nagdadalamhati ngayon sa social media ang maraming tagahanga at tagasuporta ni Jules Eusebio o mas kilala online bilang si ‘The Dub King’ dahil sa biglaang pagyao nito.
Nagulat ang marami dahil sa mabilis nitong ‘pamamaalam’ na lubhang ikinabigla ng mga followers niya.

Ang balita tungkol sa biglaang pagpanaw ng TikTok star ay naging usap-usapan noong Lunes, Mayo 16.
Ayon sa ulat ng GMA News, ang TikTok star ay nagkaroon ng matinding typhoid fever na naging dahilan ng pagsuko ng kanyang katawan; kasabay ito ng pagkakatuklas na may pinagdaraanan pala itong depresyon, ayon umano sa kapatid nito.
Nakilala si Jules online dahil sa kanyang mga nakatutuwang Tiktok videos kung saan idina-dub niya ang mga sikat na linya ng mga celebrity sa isang programa sa TV o pelikula.

Kabilang sa kanyang mga dub na nag-viral ay ang kanyang patawa sa “nahulog yung electric fan” video ni Mariel Padilla.
Sa kanyang opisyal na TikTok account, umani pa ang nasabing parody ng mahigit 1.5M views, 127.1k likes, at mahigit 1490 na komento.

Samantala, December 14, 2021 nang maimbitahan sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga si Jules bilang isa sa mga guest sa segment na “Bawal Judgmenta.l.”
Dito ay nakausap niya ang kanyang idolo na si phenomenal star at original Dubsmash queen Maine Mendoza. Maluha-luha pa noon ang TikTok star nang makita at makausap sa personal si Maine.
Kuwento niya noon, “Nag-start ako Dubsmash pa lang siya, 2017, so nung nagkaroon ng TikTok nilipat ko ‘yung account ko doon so ‘yun talagang sinusundan ko ‘yung consistent yapak ni Ms. Maine.”

“Rip be sayang di na tayo nakapag collab and wala rin tayo pic kana nag kikita tayo. We will missyou.”
Nagkomento rin ang celebrity na si Barbie Forteza. Aniya, “Gustung gusto kitang makilala nang personal. Isa ako sa mga napasaya mo dito sa Tiktok. Maraming salamat. Magpahinga ka na.”
“One of my tiktok idols mamiss ka namin, thank you for making us happy.”