Naging emosyonal ang celebrity impersonator na si Jervi Li, na mas kilala bilang Kaladkaren, habang ipinapakita ang kanyang bagong tahanan sa taong tumulong sa paglunsad ng kanyang career, na si Karen Davila.
Sa vlog ni Karen na inilabas noong Sabado, sinabi ni Kaladkaren, ang pagkilala ng broadcaster sa kanyang talento ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong makabili ng bagong tahanan.

“I’m very happy where I am at the moment. I’m also very thankful sa inyo rin po. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko makukuha ‘yung mga pangarap ko sa buhay. Kasi pwede mo naman akong i-shutdown when I was starting but you supported me,” ani Kaladkaren.
“Kung hindi naman dahil sa support mo at sa mga taong tumulong sa’kin along the way hindi ko makukuha ’tong kung anong meron ako ngayon,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Kaladkaren na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya at sa mga taong natulungan niya.

“Kung meron man akong isang natutunan, give and you will receive. Let’s be helpful and let’s always be grateful to all the things that we receive in life kasi one day hindi mo alam ikaw din ‘yung mangangailangan,” sabi pa niya.
Sabi ng comedienne na si Karen daw umano ang una nilang naging bisita: “Ang saya, tsaka ikaw pa ‘yung una kong bisita, nauna ka pa sa nanay ko,” pabiro niyang sabi
“Simula po nung bata kami, nakikitira kami sa lola namin. We didn’t have our own house. Both my parents were OFWs, so kami, pinaalaga kami roon sa lolo’t lola ko while they were abroad. Never kaming nagkaroon ng sariling bahay until nung high school ako,” pagkukuwento ni Kaladkaren.
“So, lumipat kami sa Bulacan, my parents lived there ta’s sabi ko sa sarili ko na once na makapagtrabaho ako, makapag-ipon ako ng pera, bibili ako ng sarili kong bahay,” wika pa niya.

Sa IG ay nagpost ng mga larawan ang impersonator na kasama ang kanyang fiance, “Unang silip sa bago naming bahay!!! Si Ma’am Karen Davila pa ang aming unang bisita! May… iyakan, May tawanan at May… Maritesan!”
Si Jervi Ryan Li, na kilala bilang KaladKaren Davila, ay isang Filipina impersonator at personalidad sa telebisyon. Kilala siya sa pagpapanggap bilang personalidad ng ABS-CBN News na si Karen.
Si Jervi ay na-engaged na sa kasintahang British na si Luke Wrightson noong 2020.
Panoorin: