Toni Gonzaga nakatakdang umawit ng national anthem sa inagurasyon ni BBM

Nakatakdang awitin ng TV host na si Toni Gonzaga ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas sa darating na Hunyo 30 sa National Museum (Pambansang Museo).

Ayon sa ulat ng PhilStar, aawitin naman ni Chris Villonco ang inauguration song na “Pilipinas Kong Mahal” kasama ang Young Voices of the Philippines Choir.

Sinabi ni Franz Imperial, miyembro ng komite sa paghahanda, na magiging solemn at simple ang inagurasyon.

“The program we have prepared is very solemn and simple. It would be very traditional dahil sabi nga ni BBM sa vlog niya, ‘hindi kami lilihis pa sa tradisyon,” sabi ni Imperial.

Sinabi rin ni Imperial na ang oath-taking ni Marcos ay pangangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sa Instagram stories ng TV host-actress makikita ang video kung saan siya ay umaawit at nagpapraktis ngunit wala itong sound.

Basahin: Toni G binati na ang presidential frontrunner na si BBM, ‘Congrats Ninong Bong’

Sa social media ibinahagi ni Toni ang kaniyang pagbati para kay dating senador Bongbong na nanguna sa official results ng halalan na naganap noong Mayo 9.

Sa isang video clip sa IG stories ng 38-anyos ay makikita ang kanyang pag-awit ng ‘Umagang Kay Ganda’ sa naganap na miting de avance ng UniTeam noong Mayo 7 sa Paranaque City, gayundin ang pagyakap niya kay BBM.

Basahin: Toni Gonzaga inawit ang ‘Umagang Kay Ganda’ sa campaign sortie ng UniTeam

Matapos kantahin ang “Roar” at “Titanium” sa mga nakalipas na campaign sortie, ang “Umagang Kay Ganda” naman ang itinanghal ng aktres sa kampanya ng Uniteam sa Tacloban City.

Basahin: Toni Gonzaga reflects on lesson from the elections: Stand up for what you believe is right

Post a Comment

Previous Post Next Post