VP Leni ipinasa na ang 'baton' kay Hontiveros, 'Ikaw na ang aming leader'

Ipinasa ni Vice President Leni Robredo noong Lunes, Hunyo 27, ang baton ng pamunuan ng oposisyon kay Senator Risa Hontiveros, ang nag-iisang kandidato sa oposisyon na nanalo sa 2022 Senate race.

Nabuo ito sa seremonya ng panunumpa ni Hontiveros na pinangangasiwaan ni Robredo sa kanyang tanggapan sa Quezon City.

“Ikaw na ang aming leader. Nasa likod mo lang kami, tutulong, kung kailan mo kami kailangan. You are now the highest elected official in the opposition,” ani Robredo kay Hontiveos tatlong araw bago bumaba sa puwesto.

“Kampante kami na patuloy mong ipaglalaban kung ano ang mabuting pamamahala, naroon kami na sumusuporta sa iyo. Kami na ang mga sundalo mo,” dagdag ni Robredo.

Pinuri ni Robredo ang paninindigan ni Hontiveros at ang paggamit ng kanyang opisina upang matulungan ang nga marginalized.

Robredo then lauded Hontiveros’ resolve, saying her fellow opposition stalwart has always used her office to aid the marginalized.

“Yung aking paghanga sa ‘yo ay lalo pang dumoble nung ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na humawak ng kapangyarihan, from being in Congress hanggang sa pagiging senator. Nagamit mo ‘yung posisyon para maging boses para sa mga pinakamaliliit,” wika ni VP.

Si Hontiveros ay nagsilbing kinatawan ng Akbayan party-list sa Kongreso sa loob ng dalawang termino, noong 2004 hanggang 2010.

Tumakbo siya sa Senado noong 2010 at 2013 na botohan at natalo, lumaban muli at tuluyang nanalo sa puwesto sa Senado noong 2016 elections.

Si Hontiveros ay isa sa mga pangunahing may-akda ng mga sumusunod na batas: The Act Strengthening the Anti-Hospital Deposit Law, Philippine Mental Health Law, HIV and AIDS Policy Act of 2018 at– Safe Streets and Public Spaces Act, at marami pang iba.

“Lahat kami masaya na ikaw ‘yung natitirang humahawak ng ating bandila,” ani Robredo.

Si Hontiveros, bilang tugon, ay nangako na magiging mabangis sa mahigpit na laban sa hinaharap.

“We will not tolerate people who bear false information. We will fight back harder, against rumors, lies, propaganda, and fake news,” sabi ni Hontiveros.

“Let me make this even clearer, this is a stern warning to all the dubious characters in the fake news universe: This time, we will not let your reckless disregard for truth slander our democracy – our country – ever again,” dagdag pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post