Kahit ano pang humadlang sa atin para hindi matupad ang ating mga pangarap sa buhay ay ibinibigay naman ito ng Diyos sa tamang panahon. Iyan ang pinatunayan ng mag-inang sabay na nag-aral para sa kanilang master’s degree.
Ibinahagi ng anak na si Karla sa Facebook ang isang kwelang post noong Pebrero 19.
Aniya, “𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆! 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗼𝗺𝗺𝘆!
Wala na kong sasabihan na…
“Ma, nagreview ka na ba?”, “Ma, galingan mo ha. Dapat mataas grades mo.” , “Ma, nagpasa ka na ba ng papers?” At higit sa lahat… “Ma, bakit walang sukli yung tuition fee na bigay ko sayo?” (emojis)
“Congratulations Mommy!”
Ang inang si Ma. Lourdes Obispo ay huminto pala sa kanyang post-grad studies nang siya ay nagdalantao at nagsilang, ngunit sa kabila nito ay ipinagpatuloy niyang muli ang kanyang pag-aaral — makalipas ang 26 na taon!
Sa pagkakataong ito ay kaklase na niya ang kanyang anak sa lahat ng subjects at sabay silang nagtapos!
Ayon sa anak niyang si Karla, nagsimula ang ideyang ito noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 kung saan ang lahat ay walang pagpipilian kundi manatili sa bahay.

Ayon naman kay Mommy Malou sa ‘The Philippine Star’ feature, “Di ba naman ang education is a continuing process. It starts from womb to tomb. Kaya nga sabi ko, it’s about time na ituloy ‘yun. Hindi ko naisip na magiging kaklase ko siya kasi ang layo naman, ang layo ng age gap.”
“Imagine 20s at saka nasa 50s, hindi ko na-imagine ‘yan,” dagdag pa nito.
Ayon kay Mommy Malou, nag-enroll siya noong 1990 at magtatapos na sana siya ng post-grad studies ngunit hindi niya naharap ang kanyang thesis nang ipanganak niya si Karla.

“Imagine, thesis writing na, sayang ‘no? Pero nag-full time ako sa kanya na alagaan siya and at the same time, nagwo-work ako no’n,” aniya. Naging highschool teacher siya sa loob ng 33 years.
Pareho namang nag-enjoy sina Mommy Malou at Karla bilang magkaklase at pinatunayan nila na ang pag-aaral ay isang walang hangganang paglalakbay at may tamang panahon para sa lahat ng bagay.
“There is a season for everything. Kung para sa akin ‘yun, para sa akin talaga. ‘Di ba, God is always on time. He is never late and he is never early, he is always on time.”

Dahil sa kanilang pagsisikap sa kanilang post-grad journey ay pareho silang nagkami ng Master’s degree sa Management at Major sa Educational Management sa Philippine Christian University-Dasmarinas, Cavie nitong 2022.
Sa hinaharap ay plano ni Mommy Malou na ituloy ang pag-aaral sa doctorate.
“Para sa mga Moms and Dads, it’s not too late. Age is just a number in pursuing higher education. So let us continue improving ourselves through education kasi makakatulong ‘yan hindi lamang sa immediate family members natin kundi do’n sa career kung nasaan tayo,” pagtatapos niya.
So inspiring sila, ‘di ba?
Panoorin ang video na ibinahagi ng PhilStar sa Facebook:
