Dahil lamang sa paglalaro ng Mobile Legends ay marami-rami na rin ang umasenso dahil dito. Mayroon na palang mga nakapagpatayo ng sarili nilang bahay at nabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Si Salic “Hadjizy” Imam ay isa sa mga itinutturing nang professional Mobile Legends player at diumano ay nakapag-ipon na ito at makapagpapatayo na ng pinapangarap niyang bahay para sa pamilya. Ito daw ay naging posible dahil sa katas ng ML.
Sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi niya ang pagsisimula sa ipatatayong bahay na ididisenyo at itatayo ng Mines-Arc Designs, isang construction company.
Aniya, “Finally! isa sa mga pangarap ko ang natupad.”

“Ang saya sa pakiramdam na unti-unti ko nang natutupad mga pangarap ko. Sa tagal ko sa paglalaro ng MLLB, sulit lahat ng pagod… Maraming salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sakin.”
Matatandaan na nagwagi siya bilang MVP sa MPL Phillippines Season 8 at miyembro rin ng Blacklist International professional team, isang Southeast Asian esports organization sa ilalim ng Tier One Entertainment, na nakasungkit ng gintong medalya sa M3 World Championship noong 2021.
Binati naman siya ng ilan niyang tagahanga.
“Congrats Hadji, well deserve! always here to support you!”

“MashaAllah congrats. Always praise Allah for the blessings. You deserve it.”
“Alhamdulillah, good job wata natutupad ang pangarap mo para sayo at sa pamilya mo lagi tayo magpasalamat sa ALLAH swt na sya ang my plano ng lahat.”
“Happy na isa isa nang natutupad pangarap ng mga members ng BLACK! Congratulations Hadji! Deserve na deserve!!!”
Nagpasalamat naman sa kanya ang Mines-Arc Designs dahil sa pagtitiwala nto sa kanila sa ipatatayong bahay.

“Congratulations Boss Hadji! Thank you for trusting us to design and build your dream house.”
Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) na laro. Ito ay naging libangan na ng marami sa iba’t-ibang dako ng bansa.
Ginawa ito at nilimbag ng Shanghai Moonton Technology sa Shanghai, Tsina.
Upang manalo sa laro ay kinakailangan na masira ang base ng kalaban habang pinoprotektahan naman ang base ng kakampi.