Sa mahigit kalahating dekada ng pagiging magkasintahan nila, marami ang napapaisip kung may plano na bang lumagay sa tahimik ang celebrity couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Kasabay ng birthday celebration ni Barbie sa All-Out Sundays kamakailan, ibinigay ng aktres ang sagot sa tanong na matagal nang nasa isipan ng “Jakbie” fans.
“What would it take para si Jak ay maka-graduate na sa pagiging boyfriend at maging fiancé material?” tanong ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista habang ipinakikita ang suot nitong wedding ring.

Dito ay ibinahagi ni Barbie na aprubado na sa kani-kanilang pamilya ang pagle-level up ng relasyon nila ni Jak, pero para sa kanya, may kondisyon pa rin daw bago sila dumating sa puntong iyon. Aniya, dapat may ipon na ang kanyang nobyo.
“I think dapat may ipon. Hahaha! ‘Yon lang. Bukod doon, wala na. Perfect na lahat,” nakangiting wika ng Kapuso star. “Approved na. ‘Yon na lang, ipon na lang.”

Pinasalamatan din ni Barbie si Jak at sinabi na kapamilya na ang turing dito ng pamilya niya.
“To Jak, you’re part of the family already. Thank you,” kinikilig na sambit ni Barbie.
Matatandaang noong nakaraang Mayo lamang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalimang anibersaryo.
[RELATED: Jak Roberto nag-‘special dance’ para kay Barbie Forteza para sa Araw ng mga Puso]
Samantala, isa sa mga nakaaaliw na bahagi ng nasabing birthday bash ang pagbabahagi ni Jak ng isang ugali ni Barbie.
“Alam n’yo, si Barbie, madali lang naman pasayahin ‘yan, e, as in. Alam n’yo kung paano? Kailangan makarating lang kaagad sa kanya ‘yong delivery ng pagkain. Kasi kung hindi, ako na ang kakagatin niyan!” natatawang wika ng aktor.

Narito ang masayang birthday celebration ni Barbie kasabay ang kasamahan niya sa All-Out Sundays na si Rayver Cruz, isang selebrasyon na dinaluhan ng mga malalapit na sa kanila sa industriya: