Isang matamis na mensahe ang ipinaskil ni Kapuso actor Rodjun Cruz para sa TV host at asawang si Dianne Medina, mahigit 15 taon matapos siyang sagutin ng aktres.
Noong nakaraang Hulyo 23, si Rodjun ay nagsulat ng isang matamis na mensahe sa kanyang Instagram account upang gunitain ang pinakabagong milestone sa kanilang relasyon.
Sinabi ng aktor na hindi siya makapaniwala sa bilis ng paglipas ng panahon. Inamin din niya na mas lalo siyang na-i-in love sa kanyang asawa.

Aniya, “15 years na pala tayo today simula ng sinagot mo ako maging boyfriend mo hehe! Galing noh! Wife wife na kita at may @babyjoaquinilustre na tayo! Ang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayan dahil everyday mas lalo pa akong naiinlove sayo at habang tumatagal mas lalo ka pang gumaganda.”
“Crush na crush parin kita. Thankful ako everyday kay Lord Dahil binigay Ka niya sakin. Simula ng maging tayo, Ikaw ang nag bibigay Kulay at nagpapa ikot sa mundo ko. Happy 180th Monthsary wife wife! I love you so much @dianne_medina! You & me together forever. 7/23/07,” dagdag pa niya.

Kaya naman hindi rin nagpahuli ang aktres at nagpost sa IG ng video na nasa gitna ng dagat at nakasakay sa yate at masayang magkayakap habang sumasayaw.
“Mahal na mahal kita @rodjuncruz, 15 years together and 3 years married! I love you forever!”
“Nakakaiyak kapag pinapanood ko videos natin. Imagine, we started at the age of 19 years old and ngayon may baby Joaquin na. Thank you Lord really for everything!!! saad ni Dianne.

Ikinasal sina Dianne at Rodjun noong 2019. Ipinanganak ang kanilang unang anak na si Rodolfo Joaquin Diego III noong Setyembre 10, 2020.
Unang nagkakilala ang mag-asawa sa ABS-CBN noong 2006 nang pareho silang 19 years old. Naging close sila nang pareho silang sumali sa dance competition show na U Can Dance Version 2.0.
View this post on Instagram