Ibinunyag ng viral star na si Rita Gaviola, na mas kilala bilang Badjao Girl, na isa na siyang ganap na ina.
Sa isang Instagram post, winelcome ni Gaviola ang kanyang baby girl na si Kia kasama ang kanyang partner sa isang photoshoot noong Agost0 8, 2022.
“Mahal ko kayo,” saad ni Gaviola na gayon ay 19-anyos na.

Sinuportahan at maraming nagpaabot ng pagbati mula sa kanyang fans.
“Congratulations bebe @itsritagaviola, ingat kayong tatlo always.”
“Ohh ayan na congrats hehe tama nga ako charot and na noticed mo ako that time thank you and Congrats that is a blessing.”
“No chioce just she and God will do for next chapter of her journey of life.”

“It’s a blessing my dear! Gumanda ka pa lalo… be a good Mom and wife. Ignore those people na walang ambag sa buhay mo Ineng! Saan ka masaya dun ka… GB you and your family.”
Mayroon din namang nanghinayang at binash pa siya dahil sa mga pagtanggi niya umano nang mga nakaraang buwan.
Nitong Agosto 9, nagpost muli ang si Gaviola at sinabing walang pakialam ang mga tao sapagkat buhay niya ang kanyang tinatahak.
“Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang sa akin basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit wag lang ang anak ko pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan,” aniya.

“Sa mga na-disappoint or madami pang sasabihin sa akin, buhay ko ‘yung tinatahak ko, tsaka madami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si Baby Kia sa susunod na mga vlog namin,” sabi pa niya.
Sumikat si Gaviola noong taong 2016 nang mag-viral siya habang namamalimos kasama ng kanyang kapatid noong Pahiyas Festival.
Pumasok siya sa bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan binansagan siyang “Badjao Girl of Lucena.” Sumali rin siya sa segment ng “It’s Showtime” na “Sexy Babe” at naging winnerof the da naman.