College barkada, all out support sa kaibigan na nagdala ng kanyang baby sa graduation photoshoot

Ang pagkakaroon ng anak sa murang edad ay hindi hadlang upang tumigil sa mga pangarap; bagkus ginagawa itong inspirasyon.

Sa kanyang graduation photoshoot, nagkaroon ng espesyal na panauhin ang estudyanteng si Medel Jr. Dumrique – ang kanyang 11-buwang gulang na anak na babae, si Ashianna.

Pero ang mas memorable sa moment niya ay kung paanong very supportive ang mga kaibigan niya sa shoot.

“’Nung photoshoot po namin sinama ko po si baby kahit bawal po, sinama ko po talaga siya. Gusto ko po siya masama sa pinakamasaya at pinakamagandang picture sa buhay ko. Having her po is really a blessing to us and actually ninong niya po lahat ‘yun,” aniya sa feature video ng ‘The Philippine STAR.’

“Nakaka-overwhelm nga po kasi wala akong naririnig sa kanila. And supportive po sila sa akin sa kahit anumang bagay. And hindi po nila ako iniwan at importante po dun mahal po nila ‘yung anak ko,” dagdag pa niya.

Inamin ni Medel na ang pagkakaroon ng anak sa murang edad ay wala sa kanilang plano, ngunit nagpapasalamat siya sa pinakamalaking pagpapala sa kanilang buhay.

“’Nung moment po na ipinanganak po siya, ‘dun ko po naisip na deserve niyang maipagmalaki sa buong mundo. Na kung gaano siya kaganda at kung gaano namin siya kamahal ng mama niya,” ani Medel.

Ang naturang video sa social media ay humakot na ng mahigit 15.1 million views sa TikTok! Naantig naman ang mga netizens sa eksenang ito.

“You’re so lucky to have friends like them and also to have a precious little princess, padayon kuya,” komento ng isang netizen.

Ang viral video ang nagbukas sa bagong oportunidad para sa kanilang pamilya.

“Masaya naman po kami, lalo na po nung nag-viral ‘yung video. Masaya po ‘yung pamilya ko, ‘yung mga kaibigan ko, ‘yung mga kakilala ko. May mga nag-offer na din po na tutulungan ako makasampa para makapagtrabaho. And ‘yung diaper po ni baby sponsored na din po,” pagbabahagi ni Medel.

“Ang pagkakaroon po ng anak sa murang edad eh hindi po hadlang o rason para tumigil ka na sa pangarap mo. Hindi po titigil ang mundo dahil lang po nagka-anak ka na. Gawin mo na lang po itong inspirasyon para sa everyday po matupad mo ‘yung mga kailangan mong gawin, mga step.”

“Hindi po nakakahiya ang merong anak habang nag-aaral, mas nakakahiya po ‘yung titigil ka na sa pangarap mo. So gawin mo na lang po ‘yung inspirasyon, magtiwala ka sa sarili mo, magtiwala ka sa Panginoon.”

Panoorin.

@maninisid_Angel baby❤️⚓️

♬ original sound – Medel Irving Dumrique

Post a Comment

Previous Post Next Post