Kung napapaisip kang magtayo ng sarili mong business, dapat ay simulan mo nang lakasan ang iyong loob.
Kagaya ng couple mula sa Cavite na nagtayo ng neighboorhood Cafe, kahit alam nila na wala silang gaanong kalaking pera ay nagsimula sila sa maliit at na-manage naman nila itong mabuti.
Halos 11 taon na umanong magkasama ang couple na sina Bea Bello at Jayson Lisama, ayon sa isang feature story video na ibinahagi ng Philippine Star. Napagdesisyunan ng dalawa na mag-resign sa kanilang mga trabaho at ipagsapalaran ang kanilang limitadong ipon upang magtayo ng isang maliit na coffee business sa Maragondon, Cavite noong Hulyo 2021.

Ang dating abandonadong sari-sari store ay pina-renovate nila sa para maging magandang al fresco neighborhood Cafe.
Matapos ang isang taon ng pagma-manage nila ng kanilang business ay kumikita na sila ng dalawang hanggang tatlong beses ng kanilang panimulang kita.
“Wala rin po kaming pang-capital actually nun. Meron lang po kaming na-save na konti. So ang ginawa po talaga namin, sabi namin unti-untiin po talaga siya, as in hindi po parang isang biglaan na P50k eto.”
Ang pinagkaiba ng kanilang negosyo ay kung paano sila nagtitimpla ng kanilang kape gamit ang moka pot.

Pinili din nilang mag-offer ng isang inumin, ang Classic Iced Coffee hanggang sa maperpekto nila ang timpla nito. Sinamahan na nila ng pagkain ang kanilang negosyo.
Hindi man naranasan nina Bea at Jayson ang tagumpay sa araw-araw, pumatok naman sila matapos sumali sa Christmas bazaar ng kanilang bayan noong 2021.
Ibinahagi din ng couple na sila lang ang naging empleyado ng negosyo nila sa loob ng isang taon.

Naging neighborhood cafe naman ang Battercaf na may al fresco space noong Hulyo 2022.
Ang pagsasaayos ng bakanteng lote sa tabi ng sari-sari store ng tiyuhin ni Bea ay tumagal ng apat na buwan bago nila ito binuksan sa kanilang mga patrons.
“‘Wag po matakot mag-risk po kasi parang kahit marami kang plano, tapos ‘di mo naman ine-execute, so kung ‘di ka magre-risk na i-execute ‘yun,” ani Jayson.
“Ayaw mo mawalan ng pera, ayaw mo mapahiya, ‘di mo malalaman kung magiging successful ba o hindi,” dagdag pa niya.