Mag-asawa, ibinahagi na P5k lamang ang ginastos sa kanilang kasal

Nag-viral sa social media ang mag-asawa mula sa Antipolo City, Manila matapos gumastos ng halagang Php 5,000 (AED 330) lamang para sa kanilang kasal.

Sa Facebook post ni Jiony Jan Macabuhay na may caption na “Saan aabot ang 5k pesos mo.” ay humakot ito ng maraming reactions at komento mula sa mga netizens.

Naging mag-asawa si Geejen Berlin Monreal at Jiony noong Oktubre 25, 2021, ngunit kamakailan lamang ibinahagi ni Jiony ang kanilang mga larawan sa kasal pagkalipas ng halos isang taon noong Hulyo 31, 2022.

Nagsimula ang kanilang love story bago mag-full lockdown ang Maynila kung saan ipinagkilala sila ng isang kaibigan. Ayon sa mag-asawa ay napansin nila na magkaugali silang dalawa pagdating sa ‘sharing memes’ online.

Matapos ang isang taon na pagsasama ay nagpasya silang magpakasal.

Ayon kay Geejan sa panayam ng The Filipino Times, hindi nila inaasahan na magva-viral ang post nila sa social media.

Dagdag ni Jiony, nagulat din siya nang makita niya ang libu-libong reaksyon mula sa mga netizens na pinuri ang pagiging simple at praktikal ng mag-asawa.

Ibinahagi rin ni Geejan na siya lamang ang nag-make up sa sarili at ang photographer para sa civil wedding nila ay walang bayad.

 

Ayon sa misis nagkasundo silang dalawa na gagawin nilang intimate hangga’t maaari ang kanilang kasal.

“Actually po, ang pinaka kinonsider po namin ni hubby is to get married talaga on that day and everything fell into place po. We both agreed po na intimate and simple lang po talaga yung wedding and talagang ayaw na po talaga namin gumastos. Naging memorable po siya kasi po yung pinakaimportant na mga tao po present on that day and memorable po dahil nairaos po namin yung wedding with all the available resources and supportive people around us,” ani Geejan.

Pinili rin nila ang mga simple ngunit eleganteng wedding band na nagkakahalaga lamang ng 999 pesos.

Nang matanong ang kanilang advice para sa mga couple na nagpaplanong magpakasal ay binigyang-diin nina Geejan at Jiony ang kahalagahan ng pamumuhay ayon sa iyong kinikita.

“Ang payo ko ay kailangan mo lang magplano at makipag-usap sa iyong partner. Magplano para magkaroon ka ng budget at maghanap para magkaroon ng ideya kung ano ang halaga. Pinakamahusay na payo? Huwag mangungutang! Makipag-usap at makipag-usap sa iyong kapareha upang magpasya dahil komunikasyon ang susi. At laging tandaan: Kung gusto may paraan,” ani Jiony.

Post a Comment

Previous Post Next Post