Life after presidency?
Ngayong pribado nang mamamayan ang dating pangulo ng bansa, ibinida ni Senador Bong Go sa isang Facebook post ang masayang pamamasyal ni Rodrigo R. Duterte sa Davao City gamit ang kanyang motorsiklo.
Ayon sa Senador na kilalang kaibigan at avid supporter ni Duterte, muling nagmomotorsiklo ang dating pangulo at alkalde ng kanilang bayan.

Aniya sa post, “Na-miss ni Tatay Digong ang mamasyal gamit ang kaniyang motor tulad ng ginagawa niya noon bilang alkalde.”
Gaya ng mga lumabas na kuwento noong mayor pa ito, kung saan sinasabing kahit madaling araw ay naglilibot ito sa Davao upang personal na makita ang kalagayan ng kapaligiran, ngayong private citizen na ito ay nais pa rin nitong maglibot-libot doon.

“Ngayon na pribadong mamamayan na siya, hindi niya matiis na hindi mag-ikot at pumasyal kahit na madaling araw na. Nakihalubilo rin siya sa mga sundalo, pulis at security guards na kanyang nadaanan at niyaya silang kumain ng durian,” dagdag pa ni Sen Go.
Ang kanya namang bilin dito, “Ride safe Mayor Rody!”

Bumuhos naman ang komento ng mga netizens sa post ni Sen. Go kung saan ay mahihinuha na mga suppoters ito ng dating administrasyon.
“Missing OUR BEST PRESIDENT so much! Please be still our GUIDE. Seems very different without you”
“Keep safe and enjoy your life tatay digs..we love u po still our best president ever in the Philippine.”
“Wish he is still the President !!! A President who stood by his words and fought for the good of his constituents.. Afraid to no one as he is always at the right path… Foreign leaders respected him not because he is the President but because of how he enforced and fight for things he believes right and just !!”

“Love you tatay Digong nakakamiss k po (heart emojis) Bong Go Maraming salamat po s patuloy n pag tulong niyo po s ate po namin panganay n may sakit po patuloy n sinusupportahan ng malasakit center God Bless po s inyo ni Tatay Digong.”
Marami ring nagpasalamat kay Sen Go sa paghahatid niya ng updates kaugnay sa latest kay Tatay Digong.