Kabogerang Mimiyuuuh nag-ala Dawn Zulueta habang buhat ni Ian Veneracion, 'Sana all'

Trending online ang pagbuhat ng batikang aktor na si Ian Veneracion sa social media star na si Mimiyuuuh — napa-Sana all ang netizens.

Sa Facebook page niya ay ibinahagi ni Mimiyuuuh ang mga larawan kung saan makikita siyang binuhat na parang nobya ng walang iba kundi ng beteranong aktor.

Sa mga larawan ay mapapansin ang malaking ngiti ng social media star na may suot na moss green na gown at ipinares sa puting bota. Ang kulit lang! hahaha

“Kung may i-Dawn Zulueta noon, may i-Mimiyuuuh mo naman ngayon,” saad sa caption ni Mimiyuuh habang tinutukoy ang sikat na lifting pose nina Dawn at Richard Gomez.

Habang isinusulat ito, umani ng mahigit 25,000 reaksyon at daan-daang komento ang mga larawan mula sa mga netizens, na hindi maiwasang hilingin ang parehong larawan.

“Pangarap kong mahawakan si Ian Veneracion tapos ikaw, Mimi, nabuhat ka pa,” komento ng isang netizen.

“Parang ito yata pinaka matinding inggit ang naramdaman ko sa buhay.”

“Jusko bat parang ang gaan ni mimi parang tumayo lang si ian!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“Ikaw na talaga The unbother Queen and walang issue, pure natural lang ;di nakikisali sa kung ano ano man na trending na ikakasira mo, proud of you my sis, thank you for being my inspiration and keep inspiring others,.. mwah”

Sa kabila ng lahat ng sana alls, inulan din ng pagmamahal ng kanyang mga tagahanga ang post ni Mimiyuuuh.

Matatandaan na sa edad na 23-anyos ay nakabili na siya ng bagong bahay na katas galing sa YouTube at endorsements.

Si Jeremy Lomibao Sancebuche, na kilala bilang Mimiyuuuh o Mimi, ay isang Filipino vlogger, modelo, fashion designer, komedyante, endorser at YouTuber. Una nang sumikat si Sancebuche matapos mag-post ng video lip sync sa kantang “Dalagang Pilipina” ng ALLMO$T, na bahagi ng isang viral video challenge.

Post a Comment

Previous Post Next Post